What's on TV

Alden Richards, ni-request na makatrabaho si Sanya Lopez sa '#MPK'

By Marah Ruiz, Al Kendrick Noguera
Published July 31, 2023 4:29 PM PHT
Updated August 1, 2023 1:10 PM PHT

Around GMA

Around GMA

OVP gets P889M after bicam approval
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News

Alden Richards and Sanya Lopez in #MPK


Magtatambal sina Alden Richards at Sanya Lopez sa unang episode ng "Alden August" month-long special ng '#MPK.'

Si Asia's Multimedia Star Alden Richards mismo ang pumili ng apat na bagong kuwento na isasadula niya sa month-long special ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.

"Sa stories po, nabigyan po ako ng opportunity to choose [from a] total of ten scripts or ten concepts na mga nasa bangko po ng creatives natin," pahayag ni Alden tungkol sa mga brand new episodes na pagbibidahan niya nitong buong buwan ng August.

Dagdag pa ng aktor na talagang pinili niya ang mahihirap at off beat roles.

"Since this is the first, gusto natin na maganda 'yung maging impact nito sa makakapanood po," aniya.

Bukod sa mga kuwento, humingi rin ang produksiyon ng #MPK ng mga suggestions kay Alden para sa mga gusto niyang makakatrabaho sa mga episodes.

"This is the perfect opportunity to really see kung sino pa po 'yung okay na katrabaho. 'Yung mga roles ko po kasi lately dito is may asawa, so iba iba po siya. Iba iba po sila," kuwento ni Alden.

Isa sa mga personal niyang hiniling na makatrabaho ay si Kapuso actress Sanya Lopez.

"Ni-request po talaga sana makasama ko si Sanya. May gagawin po kami, 'yun po 'yung pilot which is the first episode. Sabi ko, hindi ko pa siya nakaka-work. Nakikita ko 'yung trabaho niya so gusto ko sanang tingnan how we are, how we work together," paliwanag ng aktor.

Matatandaang saglit na nakatrabaho ni Alden si Sanya nang mag-guest ito bilang Mulawin na si Lakan sa Encantadia "requel."

"Kami po ang magkasama noon pero maikli lang, very short po," paggunita ni Alden.

Sa unang episode ng "Alden August" month-long special ng #MPK na pinamagatang "A Runner to Remember: The Jirome de Castro Story," gaganap si Alden bilang Jirome, isang marathoner runner na magkakaroon ng involuntary muscle spasms dahil sa kundisyong dystonia.

Si Sanya naman ang kanyang supportive na asawang si Geraldine na magiging susi sa kanyang tagumpay.

Abangan sina Alden Richards at Sanya Lopez sa brand new episode na "A Runner to Remember: The Jirome de Castro Story," August 5, 8:15 p.m. sa #MPK.

Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMANetwork.com, sa YouTube account ng GMA Network at sa Facebook at TikTok accounts ng #MPK.

SAMANTALA, SILIPIN ANG ILANG EKSENA NG EPISODE SA GALLERY NA ITO: