What's Hot

Alessandra de Rossi, 'di pa handang magbalik-trabaho

By Dianara Alegre
Published August 11, 2020 12:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Patay na bagong silang na sanggol, nakitang palutang-lutang sa isang estero sa Maynila
1 dead, 3 hurt in Maguindanao del Sur shooting
Voting now open for MGI All Stars

Article Inside Page


Showbiz News

alessandra de rossi


Ayon kay Alessandra de Rossi, ilang proyekto na ang tinanggihan niya dahil sa pangambang mahawaan ng COVID-19 sa pagbabalik-trabaho.

Mariing sinusunod ni Through Night & Day actress Alessandra de Rossi ang mandato ng awtoridad na pumirmi sa bahay at iwasang lumabas laban sa COVID-19 at hindi pa rin umano siya handang magbalik-trabaho sa kasalukuyan.

Sa panayam ni Lhar Santiago sa aktres, ibinahagi niyang mas pinili niyang manatili sa bahay at huwag magtrabaho kahit pa walang siyang kinikita.

Alessandra de Rossi

Source: msderossi (IG)

“Nu'ng sinabi stay at home, tinotoo ko siya," aniya.

"And of course, du'n sa stay at home na 'yon wala kang financial na papasok. It's all palabas.

"Lahat ng projects tinatanggihan ko rin considering na kailangan ko siyang gawin because I also have bills to pay."

Dahil dito, nagdesisyon siyang ibenta ang isa niyang sasakyan para mapunan ang mga pangangailangan niyang pinansiyal.

“Dalawa 'yung sasakyan ko, [yung isa] pangrelyebo sa coding, dahil nga 'pag coding hindi ako lumalabas. Natatakot akong mahuli ng MMDA,” dagdag pa ni Alessandra.

Samantala, ipinagbubuntis naman ng ate niyang si Assunta de Rossi ang unang niyang anak sa gitna ng COVID-19 pandemic.

At kahit na may pandemic, excited pa rin umano siya at ang kanyang pamilya sa pagsilang ng baby.

“Sobrang excited kami. 'Yung mommy ko sa Italy namimili na ng mga baby clothes.

"Ang bilis ng mga pangyayari. Pero nandu'n na rin ako sa kapag nanganak siya I think I'll have to be there,” aniya.

A post shared by Alessandra De Rossi (@msderossi) on

Nang kamustahin ang lagay ng pamilya ni Alessandra sa Italy, aniya, “COVID-19 free pa rin naman talaga sila kasi malayung-malayo sila kung saan talaga tumama 'yung COVID-19 sa Italy.

“Pero since open na 'yung border, medyo lumapit na du'n sa region nila 'yung COVID-19 pero wala pa sa kanila.

"Sabi ko ingat kasi you can never tell, e. Wala siyang sinasanto,” sabi ng aktres.