GMA Logo Alfred Vargas Gemini AI younger self trend
Celebrity Life

Alfred Vargas sa kanyang 'younger self': 'Maging matapang ka'

Published October 2, 2025 12:42 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Emilia Clarke gets surprise visit from Jason Momoa in New York
At least 30 houses along creek in Bacolod City demolished
Khalil Ramos is on the digital cover of a men's fashion magazine

Article Inside Page


Showbiz News

Alfred Vargas Gemini AI younger self trend


Kahit na sadya para sa kanyang "younger self," tila maraming nakaka-relate sa throwback 'senti' Instagram post ni Alfred Vargas.

Madamdamin ang recent Instagram post ng aktor at public servant na si Alfred Vargas, kung saan tila ba "kinausap" niya ang kanyang "younger self" at pinaalalahanan na maging matatag at matapang.

"Maging matapang ka sa pagharap sa mga hamon ng buhay. Huwag kang matakot magkamali dahil doon ka matututo," panimula ng Quezon City councilor.

"Huwag kang matakot sa sasabihin ng iba basta't alam mo kung sino ka talaga at wala kang inaapakan na iba."

A post shared by Alfred Vargas (@alfredvargasofficial)


Bagamat marami na rin siyang narating sa buhay, kabilang na rin ang mga natamo niyang awards sa larangan ng acting at public service, mas importante pa rin kay Alfred ang maging "makatao."

"Lagi mong tandaan na ang tunay na tagumpay ay hindi nasusukat sa pera o posisyon, kundi sa naitulong mo sa kapwa at kung ikaw ba ay nakapagdala ng magandang pagbabago sa buhay ng iba."

Dagdag din niya, "Galangin mo ang lahat ng tao, anuman ang kanilang estado, at ipaglaban mo ang tama kahit mahirap."

A post shared by Alfred Vargas (@alfredvargasofficial)

Hindi rin nakalimutan ng father of four na banggitin ang importansya ng pagpapahalaga sa pamilya. Partikular din

"Mahalin mo ang pamilya mo, lalo na ang iyong Nanay at Tatay. Hindi sila forever nandyan. Every moment counts."

Kahit na dedicated si Alfred sa serbisyo publiko, matatandaan na isang "family man" din siya. Karamihan din sa kanyang posts sa social media ay tungkol sa kanyang asawa na si Yasmine, at ang kanilang mga anak na sina Alexandra, Aryana, Alfredo Cristiano, at Aurora Sofia. Alam din ng followers ng dating AraBella at Encantadia actor na may naging ilang post na rin siya tungkol sa kanyang yumaong ina na si Atty. Susana “Ching” Vargas.

A post shared by Alfred Vargas (@alfredvargasofficial)


Bago magtapos, isang "senti" message ang iniwan ni Alfred:

"Huwag mong kalimutan ang pangarap mo--isang araw, magagamit mo ang boses at talento mo para matulungan ang iba na maabot din nila ang kanilang mga pangarap.

"Gawin mo ang lahat Ad Majorem Dei Gloriam… All for the greater glory of God 💙🙏🏽

"#parasabatangako #senti #grateful #throwback."

Ang #parasabatangako ay isa lang sa social media trends na kinagigilawan ng netizens online. Tulad ng sumikat na "Hug My Younger Self" AI trend, gumagamit ito ng Gemini AI, isang artificial intelligence tool na pinagsasama ang "current" and "childhood" photos ng isang user, at pinagmumukhang magkaharap sila at nag-uusap. Kadalasan sa mga ganitong post ay isang uri ng "self-reflection," o ang pagbabalik tanaw sa mga bagay o pangyayari na pinagdaanan ng user sa kanyang buhay. Para sa netizens, itong mga post na ito ay parang isang "digital time machine."

RELATED CONTENT: Alfred Vargas talks about the strong women in his life