GMA Logo Allen Ansay
What's on TV

Allen Ansay, hindi pa rin makapaniwala na natupad na ang kaniyang pangarap

By Maine Aquino
Published February 7, 2022 12:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Beauty Gonzalez, Kris Bernal all praises for each other in first collaboration in 'House of Lies'
Beauty Gonzalez, Kris Bernal face off in family drama ‘House of Lies’

Article Inside Page


Showbiz News

Allen Ansay


Para sa Kapuso actor na si Allen Ansay, tila isa pa ring panaginip ang pag-aartista.

Ang StarStruck season 7 First Prince na si Allen Ansay na ngayon ay isa na sa cast ng Prima Donnas ay hindi pa rin makapaniwala sa itinatakbo ng kaniyang showbiz career.

Si Allen ay unang napanood sa reality-based artista search noong 2019 bago pa man siya makapasok sa showbiz at maging isang Kapuso star.

Photo source: itsmeallenansay

Sa isang interview, ibinahagi ni Allen na hindi pa rin siya makapaniwala na nag-iba na ang kaniyang buhay simula nang pasukin niya ang showbiz.

Saad ni Allen, "Sobrang masaya. Kasi dati pangarap ko lang po ito na makita ako sa TV, tapos ngayon natupad na 'yung mga pangarap ko."

Si Allen ay isa na sa young Kapuso stars na hinahangaan online at sa TV dahil sa kanilang tambalan ni Sofia Pablo.

Ayon kay Allen, palagi siyang kino-congratulate ng kaniyang pamilya mula sa Bicol. "'Yung mga family ko pa sa Bicol na lagi nila sinasabi na 'uy natupad mo na yung pangarap mo. Congrats!'"

Para sa young actor, hindi pa rin siya makapaniwala sa itinatakbo ng kaniyang career na dati ay pangarap lang para sa kaniya.

"Parang ano nandoon pa rin 'yung point na iniisip mo na totoo ba, nangyayari ba ito kasi parang pangarap lang 'to e. From nasa probinsya ka lang tapos ngayon nandito ka na," kuwento niya.

Kilalanin ang iba pang makakasama ni Allen at Sofia sa Prima Donnas sa gallery na ito: