GMA Logo Sofia Pablo, Allen Ansay
What's on TV

Allen Ansay kay Sofia Pablo: 'Padaba Taka'

By Jimboy Napoles
Published February 1, 2023 6:53 PM PHT
Updated February 1, 2023 7:14 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'Short-lived' La Niña to affect PH until early 2026 —PAGASA
4 hurt in Maguindanao del Sur explosion
A for A On Playlist

Article Inside Page


Showbiz News

Sofia Pablo, Allen Ansay


Ang Bikolanong si Allen Ansay, may special message para sa kanyang “special friend” na si Sofia Pablo.

Idinaan ng tinaguriang next generation leading man at tubong Bicol na si Allen Ansay sa isang Bicolano phrase ang kanyang mensahe sa kanyang onscreen partner na si Sofia Pablo.

Sa episode ng Fast Talk with Boy Abunda sa unang araw ng buwan ng pag-ibig, agad na nagpakilig sina Allen at Sofia.

Sa kanilang pagsalang sa isang fun interview kasama ang batikang host na si Boy Abunda, inamin ni Allen na crush na niya si Sofia bago pa man siya maging isang ganap na artista.

Bukod pa rito, inamin din ng aktor na sinabihan niya ng “I love you” si Sofia. Pero paglilinaw niya, ito ay sa isang eksena lamang nila sa serye.

“Allen, nag-I love you ka ba kay Sofia, oo o hindi?,” tanong ni Boy kay Allen.

Sagot naman ng binatang aktor, “Yes… doon sa eksena namin.”

"Wala nang bawian,” natutuwang sinabi ni Boy.

Matapos ito, ibinahagi naman ng dalawa ang tunay na ang turingan nila sa isa't isa.

“Ang estado ba ng inyong relasyon, are you friends, special friends, more than friends?” usisa ni Boy.

Sagot naman ng dalawa, “Special friends.”

Bago matapos ang panayam, tinanong ni Boy si Allen kung ano ang mga salitang sasabihin niya kay Sofia habang binibigyan niya ito ng bulaklak.

Sabi ni Allen kay Sofia, “Padaba taka.”

Nagulat naman si Sofia at Boy sa sinabi ni Allen. “Anong sabi niya?” tanong ni Boy.

Sagot naman ni Sofia, “Padaba Taka po means I love you in Bicol.”

Mapapanood naman sina Sofia at Allen sa bagong kilig series ng GMA na Luv Is: Caught in His Arms, weeknights, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.

Para naman sa iba pang maiinit na showbiz balita, tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda, Lunes hanggang Biyernes, 4:05 p.m. sa loob ng 20 minuto sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.


SILIPIN ANG KILIG PHOTOS NG LUV IS: CAUGHT IN HIS ARMS LEAD STARS NA SINA SOFIA PABLO AT ALLEN ANSAY SA GALLERY NA ITO: