
Throwback vibes ang hatid ng Family Feud ngayong July 24 dahil muling magsasama-sama ang ilan sa mga original Bubble Gang ladies na nagpasaya sa mga manonood noong late '90s hanggang early 2000s!
Pangungunahan ng dating Bubble Gang star na si Amanda Page ang Mendiola Family. Kilala si Amanda sa fun, fearless, and unforgettable stint sa Bubble Gang. Sa kasalukuyan, abala si Amanda sa pamamahala ng outpatient psychiatric clinic ng kanyang asawa. Isa rin siyang cheerleading coach sa Villanova Preparatory School.
Kasama ni Amanda sa Mendiola Family ang kanyang asawang psychiatrist na si Dr. Lee Mendiola, ang brother-in-law, physician, at singer na si Dr. John Mendiola, at isa pa nilang kapatid at businessman na si Dennis Mendiola na nag-aral sa University of Pennsylvania's Wharton School at Harvard.
PHOTO SOURCE: Family Feud
Samantala, makakaharap nila ang Bubble Girls Rewind na binubuo ng ilan sa mga dating nakasama ni Amanda sa Bubble Gang.
Kasama sa team si Maricar de Mesa na first television project ang Bubble Gang. Bahagi rin ng Bubble Girls Rewind sina Jackie de Guzman na napanood mula 1995 hanggang 1998, si Alma Concepcion na nagpakita ng kaniyang humor mula 1996 hanggang 1997, at si Sherilyn Reyes na bahagi ng hit gag show mula 1999 hanggang 2002.
Bukod sa matinding sagutan sa survey board, espesyal din ang kanilang reunion dahil sa kuwentuhan, kulitan, at pag-alala sa kanilang funny moments sa Bubble Gang.
Abangan ang fresh episode ng Family Feud ngayong July 24, 5:35 p.m. sa GMA at sa Kapuso Stream.
Huwag kalimutang sumali sa “Guess More, Win More” promo ng Family Feud! Manood lamang ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng papremyo araw-araw. Tutok na Lunes hanggang Biyernes sa Family Feud para sa kabuuang detalye.
HYPERLINK GUESS MORE WIN MORE: