
Mapapanood na ngayong April 24 ang inaabangang global crossover sa Family Feud.
Makakausap ni Dingdong Dantes sa isang exclusive video call ang legendary host at face ng Family Feud US na si Steve Harvey.
Ano ba ang kanilang pag-uusapan? Ito kaya ay ang pagbisita ni Steve sa Family Feud Philippines studio o baka naman ang paglipad ni Dingdong sa Atlanta, Georgia para sa Family Feud US?
Samantala, exciting na tapatan pa ang inihanda sa episode na ito dahil maghaharap ang two teams of pageant royalty and top-tier models.
Sa Team Jusa, maglalaro ang social media sensation, Miss Philippines Earth 2025, PR manager, at newest host-mate ng Unang Hirit na si Joy 'Jusa' Barcoma.
Kasama niya asa Team Jusa sina Miss International 2025 4th Runner-up Myrna Esguerra, Miss Supranational 3rd Runner-up Tarah Valencia, at si Miss World Philippines 2021 Tracy Maureen Perez.
Makakaharap nila ang Mister Pilipinas Worldwide team na kinabibilangan ng most prominent male titleholders and hunky models sa bansa sa pangunguna ni Mister International 2025 Kirk Bondad.
Kasama niya sa team ngayong Biyernes sina Mister Supranational Philippines 2025 Kenneth Cabungcal, Mister Pilipinas Manhunt Supermodel 2025 Raven Lansangan, at si Manhunt International Male Supermodel 3rd Runner-up Jordan San Juan.
Abangan ang exciting at historic na fresh episode ng Family Feud ngayong Biyernes, April 24, 5:35 p.m. sa GMA at sa Kapuso Stream.
Patuloy pa rin ang mas pinalawak na “Guess More, Win More” promo ng Family Feud. Network-wide na ang bigayan ng papremyo dahil kasali na rin sa "Guess More, Win More" ang GMA Afternoon Prime at GMA Prime programs na Born to Shine, House of Lies, Apoy sa Dugo, Fast Talk with Boy Abunda, The Sweetest Taboo, Encantadia Chronicles: Sang'gre at Never Say Die.