GMA Logo Andrea Torres
What's Hot

Andrea Torres, handa nang gumawa ng 'level up' projects

By Marah Ruiz
Published July 16, 2021 5:22 PM PHT
Updated July 16, 2021 5:46 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Taylor Swift marries Travis Kelce, spokesperson says
2 suspects in gadget store heists in Mindanao nabbed
Fast food chain unveils new dessert flavors after saying goodbye to famous apple pie

Article Inside Page


Showbiz News

Andrea Torres


Hindi pa man umeere ang kanyang upcoming series na 'Legal Wives,' may mga nakapila nang proyekto para kay Andrea Torres.

Nag-renew ng kanyang kontrata si Kapuso actress Andrea Torres sa GMA Artist Center ngayong araw, July 16.

Sa isang virtual event, pumirma muli siya ng exclusive management contract na nagsisigurong mananatili siyang isang Kapuso.

Naging emosyonal si Andrea nang binalikan ang mga dati niyang naging proyekto sa GMA Network tulad ng Sana Ay Ikaw Na Nga, ang launching project na nagbigay ng first lead role sa kanya, With a Smile, Ang Lihim ni Annasandra, The Millionaire's Wife at marami pang iba.

Andrea Torres


Sa muli niyang pagpirma ng kontrata, tila new chapter na daw ito para sa kanyang career.

Sa katunayan, may mga naka plano ang proyekto para kay Andrea kahit hindi pa umeere ang kanyang upcoming show na Legal Wives.

"Nakakatuwa kasi ang dami rin mga projects na binibigay nila sa akin na pinagpaplanuhan po namin na ibang iba na. Makikita mo ibang iba na talaga. Level up na talaga kumpara doon sa mga ginagawa before," pahayag niya.

Aminado si Andrea na minsan pa rin siyang nakakaranas ng pagkawala ng tiwala sa sarili. Kaya naman malaki ang pasasalamat niya sa GMA Network sa patuloy na pagtitiwala sa kanya.

"Totoo po 'yung sinabi ko sa speech ko kanina na kadalasan po may mga times na sasabihin nila sa'kin ito 'yung next project mo. Ako mismo nagtatanong kung kaya ko na ba. Sila 'yung naniniwala sa akin. Ang sarap ng ganoong feeling, coming from a place na tina-try mo na may kahit isang tao lang na mag-trust sayo. GMA 'yun. GMA 'yung nagbigay sa akin noon, nag-risk talaga para maka-experience ako ng soap para mapakita ko sa tao kung gaano ko kamahal 'yung trabaho ko," pahayag ni Andrea.

Isang versatile actress si Andrea kaya marami pa raw siyang mga roles na nais masubukan.

"Feeling ko kasi napaka daming kuwento sa mundo. Ang daming mga kuwento na dapat pa talagang malaman ng tao. Ang hindi ko pa nagagampanan siguro, isang role kung saan hindi ako ayos na ayos. 'Yung talagang walang blower, walang makeup, gusto ko ng ganoon. Or isang role na killer. Hindi pa ko nakagawa ng someone na may pinagdadaaan, may problem sa mental health. Super hero, on a lighter note, multo--hindi pa ko nagiging multo," pag-iisa isa niya.

Gusto daw kasi ni Andrea ng mga karakter na challenging para lalong mahasa ang kanyang pag-arte.

"Very open ako sa mga ganyang bagay, lalong lalo na noong first time akong binigyan assignment ng GMA na medyo gray 'yung character. Doon ko na-realize sa sarili ko na gusto ko pala ng mga ganitong roles, 'yung medyo hndi ine-expect from me. Ang sarap din pala na gulatin 'yung sarli mo kung hanggang saan mo siya kayang dalhin," paliwanag niya.

Samantala, panoorin si Andrea isa na namang role na malaking hamon para sa kanya. Bahagi kasi siyang cultural drama series na Legal Wives kung saan gaganap siya bilang pangalawa at tanging Kristiyanong asawa ng isang lalaking Mranaw.

Abangan ang world premiere ng Legal Wives, July 26 sa GMA Telebabad. May simulcast din ito sa digital channel na Heart of Asia. Para naman sa mga Kapuso abroad, mapapanood din ito via GMA Pinoy TV.