
Ngayong September 12, iba't ibang kuwento muli ang ating mapapanood sa Amazing Earth.
Ang isa sa bagong kuwento ni Dingdong Dantes ngayong Linggo ay tungkol sa isa sa most trafficked animals in the world. Ano nga ba ang ginagawang paraan para pangalagaan ang mga Philippine pangolin mula sa wildlife poaching?
Ang tulay na binuo ng demonyo ang isa pa sa mga kuwentong dapat tutukan sa episode na ito. Ano nga ba ang kuwento sa likod ng Puente del Diablo na matatagpuan sa Binangonan, Rizal?
Mapapanood din ngayong Linggo ang iba't ibang kuwento sa polar regions sa nature documentary ng BBC na Spy in the Wild: The Poles.
Samahan natin si Dingdong Dantes ngayong Linggo sa kaniyang adventure sa Amazing Earth, 7:40 p.m. sa GMA Network.
Kuwento ng Team Harabas sa 'Amazing Earth,' patok sa mga netizens