GMA Logo Andea Torres and Rochelle Pangilinan
What's on TV

Ang Lihim ni Annasandra: Napamahal na si Esmeralda kay Annasandra | Week 8

By Dianne Mariano
Published January 11, 2022 10:31 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Top US Catholic cardinals question morality of American foreign policy
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Andea Torres and Rochelle Pangilinan


Makalipas ang isang taon, tuluyan nang napamahal si Esmeralda (Rochelle Pangilinan) kay Annasandra (Andrea Torres) na parang kanyang tunay na anak.

Sa ikawalong linggo ng Ang Lihim ni Annasandra, nagbunga na ang paghihirap ni Enrico (Pancho Magno) nang matagpuan nito ang kinaroroonan ni Annasandra (Andrea Torres) sa kabundukan.

Hindi naman maiwasan ni Esmeralda (Rochelle Pangilinan) na mapamahal sa dalaga kaya gagawin nito ang lahat upang maprotektahan ang huli mula sa mga tao.

Nang dahil sa pagdududa ni Annasandra tungkol sa pagmamahal sa kanya ni Esmeralda, nagalit at pinalayas ng huli ang dalaga sa kanyang tirahan.

Matapos ang pangyayaring ito, pinagsisihan ni Esmeralda ang kanyang desisyon na palayasin at ipagtabuyan si Annasandra dahil tunay na napamahal na ito sa dalaga.

Nang makita nina Esmeralda at Rosario (Maria Isabel Lopez) si Annasandra sa kalye, binalik nila ito sa kanilang tirahan upang alagaan at tuluyan nang tinuring na pamilya.

Tila hindi pa rin naman makalimutan ni William (Mikael Daez) ang naging pagmamahalan nila ni Annasandra kahit sabihin pa nitong kay Lorraine (Chris Villonco) niya itutuon ang kanyang pansin.

Patuloy pa rin na ipinakita at ipinaglaban ni Enrico ang kanyang pagmamahal sa dalaga. Upang mawala ang kanyang sumpa, susubukan ni Annasandra na mahalin pabalik si Enrico.

Dahil sa kagustuhan niyang makalimutan si Annasandra, magpapakasal si William kay Lorraine kahit hindi niya ito lubusang minamahal.

Tila hindi naman naging maganda ang kapalaran ng mga ina ng dalaga dahil ang kanyang tunay na ina na si Belinda (Glydel Mercado) ay tuluyan nang nawala sa sarili habang si Esmeralda naman ay nabaril.

Upang maipakita ang kanyang ubos na pagmamahal kay Annasandra, pinili ni Enrico na maging isang awok at iniligtas pa ang dalaga mula sa kapahamakan. Mas maging malalim kaya ang kanilang samahan?

Patuloy na panoorin Ang Lihim ni Annasandra, tuwing Lunes hanggang Biyernes, 4:15 p.m. sa GMA Afternoon Prime.

Samantala, balikan ng mga eksena sa Ang Lihim ni Annasandra dito.

Ang Lihim ni Annasandra: Enrico reunites with Annasandra | Episode 36

Ang Lihim ni Annasandra: Esmeralda regrets her decision | Episode 37

Ang Lihim ni Annasandra: The possible cure to Annasandra's curse | Episode 38

Ang Lihim ni Annasandra: William's confusion leads to a proposal | Episode 39

Ang Lihim ni Annasandra: The misfortunes of Annasandra's mothers | Episode 40

Ang Lihim ni Annasandra: Enrico proves his love for Annasandra | Episode 41

Ang Lihim ni Annasandra: Will Annasandra finally give Enrico a chance? | Episode 42