
Maraming celebrities ang napa-wow sa Sang'gre-inspired outfit ni Angel Guardian na isinuot niya sa GMA Gala 2024.
Tila isang diwata ang Sang'gre actress sa kanyang white breast plate at skirt na likha ni THIAN Rodriguez.
Ani Angel sa kanyang oufit, gusto niya ng kakaiba pero konektado pa rin sa karakter niya sa Sang'gre na si Deia, ang bagong tagapangalaga ng Brilyante ng Hangin.
"Naisip ko na ganito 'yung damit because of Sang'gre. Gusto ko siyang i-connect sa character [ko] pero at the same time with a twist. Pero plan talaga namin like may pahangin, that's why may mga pwedeng liparin itong design," pagbabahagi ni Angel Guardian sa kanyang interview para sa GMANetwork.com.
Dagdag pa ng aktres, masaya siya sa naging resulta ng kanyang outfit at pagiging collaborative ng kanyang glam team.
"I'm very happy kasi sobrang collaborative together, na nagawa namin 'yung naisip ko and may na-apply na iba, na twist dito sa outfit ko."
Ilan sa celebrities na napahanga sa Sang'gre-inspired outfit ni Angel Guardian sa GMA Gala 2024 ay sina Iza Calzado, Faith Da Silva, Glaiza De Castro, Mikee Quintos, Ashley Ortega, Mikael Daez, Analyn Barro, Kate Valdez, Lianne Valentin, Angela Alarcon, Thia Thomalla, Chariz Solomon, at Maey Bautista.
Sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, makakasama ni Angel ang new-gen Sang'gres na sina Bianca Umali, Kelvin Miranda, at Faith Da Silva.
Abangan si Angel Guardian sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, soon sa GMA Prime.
TINGNAN ANG NAGANAP NA GMA GALA 2024 SA GALLERY NA ITO: