GMA Logo YUMI and Caprice Cayetano
Source: zephanie (IG)
What's Hot

Angel ng 'You're My Favorite Song,' sumabak sa dance challenge ng YUMI ng 'Born To Shine'

By Mark Joseph F. Carreon
Published July 14, 2026 4:24 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Heath Jornales shares snaps from archery session: 'Brave who?'
Authorities probe discovery of human skull in Talisay, Cebu
LRT-2 now accepts cashless payments

Article Inside Page


Showbiz News

YUMI and Caprice Cayetano


Kinasabikan at ikinagulat ng fans at viewers ang pagsasama ni Angel (Caprice Cayetano) ng You're My Favorite Song at ng P-Pop girl group na YUMI ng Born To Shine!

Tunay na kinagiliwan at ikinagulat ng mga tagasubaybay ng GMA Afternoon Prime ang isang sorpresang collab na naganap sa pagitan ng mga bida ng dalawang hit na serye sa nasabing block, ang Born To Shine at You're My Favorite Song.

Sa isang online video na ibinahagi ng P-Pop sensation na si Zephanie sa kanyang official Instagram account, tampok ang masayang dance challenge ng grupong YUMI. Ang naturang girl group; na binubuo nina Zephanie bilang si Jeni, Olive May bilang si Megan, Naya Ambi bilang Alfea, Gaea Mischa bilang Nancy, at Mitzi Joshbilang Yuna, ay hataw na hataw sa pagsayaw ng kanilang ikalawang single na pinamagatang Ikaw Ang Dahilan.

Hindi inasahan ng mga netizen ang isang “plot twist” sa kalagitnaan ng video. Tila naging anim ang miyembro ng grupo nang biglang sumulpot ang lead actress ng romance-drama series na You're My Favorite Song na si Caprice Cayetano na gumaganap naman sa serye bilang si Angel.

Kitang-kita sa video ang chemistry at saya ng grupo habang kasabay nilang humataw si Caprice. Game na game na nakipagsabayan ang Kapuso young actress sa bawat galaw at choreography ng YUMI, na umani ng libu-libong views at ilang komento mula sa kanilang fans.

A post shared by gmanetwork (@gmanetwork)


Ang nasabing collaboration ay nagsilbing mitsa ng kilig at excitement para sa mga loyal viewers ng dalawang serye, na matagal nang humihiling na magkaroon ng mas maraming interaction ang mga paborito nilang Kapuso stars.

Mabilis din nabuo ang mga fan theories kung saan sinasabi na ang naturang video ay maaaring maging hudyat ng isang mas malaking pasabog, ang posibleng crossover ng dalawang hit series na Born To Shine at You're My Favorite Song.

Lalong uminit ang espekulasyon ng mga netizens matapos matandaan ang matagumpay na crossover ni MakMak, ang karakter ni Anton Vinzon mula sa afternoon series na Kamao, na nagpakita rin ng kanyang presensya sa Born To Shine.

Sa kabilang banda, abangan ang all-star cast ng Born To Shine sa magaganap na mall show at album launch sa darating na Sabado, July 18, na magaganap sa Activity Center ng SM Center Muntinlupa. Makakasama ng YUMI ang ilan pang cast kabilang sina Michael Sager, Manilyn Reynes, Vina Morales, Tina Paner, Roselle Nava, Smokey Manaloto, Miggs Cuaderno, Kobie Brown, Ralph Miaco, AJ Oteyza, and Dang Cruz.

Abangan din ang nalalapit na grand fan meet ng You're My Favorite Song sa darating na Sabado, August 1 sa SM North EDSA Skydome kasama sina Caprice Cayetano, Heath Jornales, Clifford, at Marco Masa.

Patuloy na subaybayan ang Born To Shine, Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m. at ang You're My Favorite Song, tuwing Lunes hanggang Biyernes, 4:00 p.m., pagkatapos ng Kamao sa GMA Afternoon Prime!

Related Gallery: Kilalanin ang New Gem of P-Pop na YUMI!