GMA Logo Angelu de Leon
Courtesy: angeludeleonrivera (IG)
What's Hot

Angelu de Leon, titigil na ba sa showbiz matapos manalo bilang isang public servant?

By EJ Chua
Published August 19, 2022 11:00 AM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Simbang Gabi | December 16, 2025
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Angelu de Leon


Alamin ang plano ni Angelu de Leon sa kaniyang showbiz career DITO:

Nito lamang nakaraang eleksyon, isa sa mga nanalo sa mga tumakbo bilang konsehal ng Pasig City ay ang aktres na si Angelu de Leon.

Kahit ito ang unang pagkakataon na sumabak si Angelu sa pulitika, agad niyang nakamit ang inaasam na tagumpay na maging isang public servant.

Matapos nito, naging usap-usapan na kung hudyat na ba ito na iiwan na ng aktres ang mundo ng show business.

Sa latest episode ng Surprise Guest with Pia Arcangel, bukod sa ibinahagi ni Angelu ang kaniyang mga karanasan noong campaign period, inilahad din niya kung ano ang plano niya sa kaniyang showbiz career.

Pagbabahagi niya, "Yung election period, nakakatuwa kasi iba yung... dumating kasi ako sa punto na ako 'yung nag-e-entertain ng crowd, hindi ako ang pulitiko kung hindi ako 'yung entertainer sa mga kampanya.”

"And then iba yung perception ko nung mga panahong 'yon. Talagang kapag naririnig ko, nakikita ko 'yung mga pulitiko, pulitiko talaga sila. Parang may stand sa pulitiko, may certain energy ng pulitiko. Nung si Mayor Vico Sotto yung nakasama ko sa kampanya, nagulat ako, kasi dito sa Pasig talaga, rockstar siya,” dagdag pa ni Angelu.

Kasunod nito, inilahad niya ang kaniyang plano bilang isang aktres.

Ayon kay Angelu, "Kasi ngayon ano pa rin 'di ba, when we think about it, 'yung mga tapings pa rin ng soap opera is always lock in, and I cannot afford to be [in] lock-in [tapings] as of the moment.”

"Pero ang mga biro ko nga is okay lang ako mag-game show para may extra income… 'Yung ganun, mga game show, Eat Bulaga, mga ganun, 'yun puwede. Pero 'yung sabihin natin magbabalik soap opera, medyo siguro hindi pa muna.”

Sa kalagitnaan ng interview ng host na si Pia Arcangel kay Angelu, sinabi niya na isa sa mga iniingatan niya ngayon ay ang tiwala na ibinigay sa kaniya ng mga Pasigueños bilang isang public servant.

Bukod sa kaniyang mga plano sa buhay, ikinuwento rin ng politician-actress ang tungkol sa kaniyang kondisyon na Bell's palsy.

Panoorin ang buong episode Surprise Guest with Pia Arcangel kasama si Angelu de Leon DITO:

SAMANTALA, TINGNAN AGELESS BEAUTY NI ANGELU DE LEON SA GALLERY SA IBABA: