GMA Logo Angelu De Leon
What's Hot

Angelu de Leon opens up about her current health condition

By EJ Chua
Published August 18, 2022 2:42 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Simbang Gabi | December 16, 2025
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Angelu De Leon


Angelu de Leon, tanggap na nga ba ang kaniyang kondisyon na Bell's palsy?

Sa latest episode ng GMA News and Public Affairs' online podcast na Surprise Guest with Pia Arcangel, ibinahagi ng politician-actress na si Angelu de Leon ang ilang bagay tungkol sa kaniyang kasalukuyang buhay at kalusugan.

Ayon kay Angelu, kung minsan ay umaatake pa rin ang kaniyang kondisyon na Bell's palsy ngunit mas bumuti na raw ang kaniyang kalagayan ngayon.

Kuwento ng aktres, “Minsan, 'pag sobrang pagod lumalabas pa rin siya. Pero you know, I mean it doesn't bother me anymore. I think that's one thing -- acceptance is key nga 'di ba?”

Inihayag din niya na mula nang harapin niya ang kondisyong ito ay marami siyang natutunan tungkol sa mga hamon ng buhay. Dahil din dito ay mas naging mapagpasalamat siya sa Diyos dahil sa katatagan ng loob na mayroon siya ngayon.

“May mga ganu'n talagang parte sa buhay natin that kahit na anong minsan idasal mo na bumalik sa normal, or 'wag sana, or gumaling, pero hindi talaga. I think it grounds you also, and you get the fear na you are living [in God's] ways.”

Dagdag pa niya, “Ako, I feel talaga na it's really a grace from God, so I think it's also an inspiration to the people who [have] disabilities.”

Naranasan ni Angelu ang pag-atake ng kaniyang Bell's palsy noong taong 2009 at 2016.

Panoorin ang buong episode Surprise Guest with Pia Arcangel kasama si Angelu de Leon DITO:

Si Angelu ay kasalukuyang nagtatrabaho ngayon bilang councilor sa Pasig City, kung saan kasama niya ang anak nina Vic Sotto at Coney Reyes na si Mayor Vico Sotto.

SAMANTALA, TINGNAN AGELESS BEAUTY NI ANGELU DE LEON SA GALLERY SA IBABA: