
Kabilang ang newbie actor na si Anjay Anson sa Sparkada na ni-launch ng Sparkle GMA Artist Center kamakailan.
Ang Sparkada ay binubuo ng 17 young artists na handpicked ng acclaimed star maker na si Mr. M.
Sa kauna-unahang media interview ng Sparkada, ibinahagi ni Anjay ang showbiz advice na nakuha niya kay Prima Donnas actor Wendell Ramos na aniya ay malapit na kaibigan ng kanyang pamilya.
"Ang pinaka-inspirational na sinabi sa akin ni Mr. Wendell Ramos, actually family friend din namin siya, always be humble and always put your feet on the ground. Kahit gaano ka pa sumikat dapat palagi kang humble," pagbabahagi ni Anjay.
Kasama rin ni Anjay sa Sparkada ang anak ni Wendell na si Saviour Ramos, na kasalukuyang nasa lock-in taping ngayon para sa upcoming miniseries na Raya Sirena.
Sa interview, sinabi rin ni Anjay kung bakit kinakailangan niyang palitan ang totoong pangalan ngayong nasa showbiz na siya.
"Actually screen name ko lang po ang Anjay Anson. My real name is Anjay Mandhyani. I am half-Filipino, half-Indian. 'Yung mom ko is Filipina and dad ko naman is 'yung Indian.
"Nag-decide kami na palitan 'yung name ko kasi medyo nahihirapan i-pronounce. Actually 'yung Anson, 'yung name na 'yun is from my friend which is 'yung relative niya sina Ms. Boots Anson-Roa," kuwento ni Anjay.
Patuloy na mapapanood si Anjay sa GMA Primetime series na Widows' Web bilang si Jed Sagrado-Dee, ang nag-iisang anak ni Barbara Sagrado-Dee na ginagampanan naman ni Carmina Villarroel.
Samantala, mas kilalanin pa ang Sparkada artists sa gallery na ito: