
Kung may isang tao na walang sawang sumusuporta sa award-winning comedienne na si Rufa Mae Quinto sa pagbabalik niya sa GMA-7, ito ay walang iba kundi ang kaniyang mister na si Trevor Magallanes.
Ngayong Martes (April 19), opisyal na inanunsyo ng number one broadcast network sa Pilipinas na pumirma na si Rufa Mae bilang isang Sparkle artist.
Sa panayam ng Bubble Gang star sa 24 Oras, ikinuwento nito ang sinabi ng kaniyang asawa tungkol sa pagbabalik-Kapuso niya.
Kuwento niya, “Sabi niya, 'Sige, magtrabaho muna tayo nang todo-todo ng isang taon.'
“Tapos focus muna doon.”
Malaki rin ang utang loob ni Rufa Mae sa Kapuso Network, dahil iba't ibang project ang nagawa niya noon bilang Kapuso.
Saad ng Sparkle comedienne, “Naging sakto lahat ng pagbabalik ko.
“Nagka-management, nagkaroon ng back to GMA.”
Dagdag niya, “Lumaki rin ako at buong pamilya ko sa GMA din. Lahat ginawa ko… Nag-host ako, nag-sitcom, nag-show, naging mermaid, naging Darna.”
Sa exclusive interview ni Rufa Mae Quinto kay Lhar Santiago, may patikim na rin ito sa exciting episode niya sa award-winning show na Tadhana hosted by Marian Rivera this Saturday.
Nag-enjoy din daw siya na maka-bonding ang mga artists na sina Arra San Agustin, Ashley Ortega, Irma Adlawan, Luis Hontiveros at Topper Fabregas sa kanilang shoot.
Ani Rufa Mae, “Nagsaluhan kami ng Instagram, kasi nag-TikTok kami and everything.
“Sobrang tawa lang kami nang tawa, kaya nga sa sobrang saya, tapos na agad 'yung taping.”
Heto ang iba pang proud graduates ng flagship Kapuso gag show na Bubble Gang sa gallery na ito.