GMA Logo Elle Villanueva and Ashley Ortega
What's on TV

Apoy sa Dugo: Sister war nina Vanessa at Angel, sumiklab na!

By Karen Juliane Crucillo
Published April 28, 2026 2:16 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Archaeologists use AI to generate image of Pompeii victim
Museo del Galeón to open on May 1
Man shot dead inside internet café in Cebu; daughter hurt

Article Inside Page


Showbiz News

Elle Villanueva and Ashley Ortega


Abangan ang pagsisimula ng sister war sa pagitan nina Vanessa (Elle Villanueva) at Angel (Ashley Ortega) sa 'Apoy sa Dugo.'

Mas iinit pa ang mga eksena sa Apoy sa Dugo dahil ang magkapatid na sina Vanessa (Elle Villanueva) at Angel (Ashley Ortega) na ngayon ang magkaaway.

Ngayong Martes, April 28, hindi na palalampasin ni Vanessa ang mga kasinungalingan ni Angel. Ibibintang ni Vanessa kay Angel ang pagkawala ni Merly (Matet de Leon) sa ospital.

Ngayong hindi na bulag si Vanessa sa mga sikreto at kasinungalingan ni Angel, sisiklab na ang sister war sa pagitan nila dahil sa mga sunod-sunod na komprontasyon.

Hanggang kailan kaya mapagtatakpan ni Angel ang kanyang mga sikreto at kasinungalingan? Tuluyan na nga bang masisira ang matibay na samahan nina Vanessa at Angel bilang magkapatid?

Abangan 'yan sa Apoy sa Dugo tuwing Lunes hanggang Biyernes, 4:05 p.m. sa GMA Afternoon Prime.



RELATED GALLERY: All the times Ashley Ortega served savage moments in 'Apoy sa Dugo'