GMA Logo elle villanueva and patricia coma in apoy sa dugo
What's on TV

Apoy sa Dugo: Vanessa, nakahanap ng kakampi kay Lexi

By Karen Juliane Crucillo
Published May 28, 2026 6:30 PM PHT

Around GMA

Around GMA

POC General Assembly to suspend PNVF following FIVB decision
Gazini Ganados is top 8 in MGI All Stars live results
Pepito Manaloto: Tuloy ang Kuwento marks 16 years with a two-part anniversary special

Article Inside Page


Showbiz News

elle villanueva and patricia coma in apoy sa dugo


Abangan ang sanib puwersa nina Vanessa (Elle Villanueva) at Lexi (Patricia Coma) laban kay Angel (Ashley Ortega) sa 'Apoy sa Dugo.'

Nadagdagan ng bagong kakampi si Vanessa (Elle Villanueva) sa gitna ng kanyang paghihiganti kay Angel (Ashley Ortega) sa Apoy sa Dugo.

Maliban kina Lorraine (Cai Cortez) at Fonzi (Fonzi), kasama na rin si Lexi (Patricia Coma) sa mga kakampi ni Vanessa.

Noong Miyerkules, May 27, natuklasan ni Lexi na si Angel ang pumatay sa alagang aso ni Mikay (Nicole Baker).

Simula ng kanyang pagtuklas sa katotohanan, hindi na isusumbong ni Lexi si Vanessa na siya ay nagpapanggap lang na nasiraan ng bait bilang bahagi ng kanyang plano sa paghihiganti kay Angel.

Tutulungan na ni Lexi si Vanessa sa kanyang mga plano upang mabigyan ng hustisya ang pagpanaw ng kanyang ama na si Carlito (Ricardo Cepeda) at anak ni Vanessa na si Luigi (Rathian Cordero), na namatay dahil sa pagbangga ni Angel sa kanila.

Magtagumpay kaya sina Vanessa at Lexi sa kanilang plano?


Abangan ang iba pang matitinding mga eksena sa Apoy sa Dugo tuwing Lunes hanggang Biyernes, 4:05 p.m. sa GMA Afternoon Prime.

RELATED GALLERY: Before the sister war: Vanessa and Angel's sisterhood moments in 'Apoy sa Dugo'