
Ngayong sumiklab na ang sister war sa pagitan nina Vanessa (Elle Villanueva) at Angel (Ashley Ortega) (), mas tumitindi na ang mga eksena ng trayduran at manipulasyon sa Apoy sa Dugo.
Sa May 5 episode, nakulong na si Vanessa at tuluyan nang nakuha ni Angel ang loob ni Sylvia (Pinky Amador).
Umani ng reaksyon ang pagkakakulong ni Vanessa, at marami ang kumampi sa kanya sa gitna ng mga pagsubok na kinakaharap niya laban kay Angel.
Narito ang ilan sa mga reaksyon ng viewers sa pagkakakulong ni Vanessa:
Sa episode ngayong Miyerkules, May 6, makakahanap na ng ebidensya si Carlito (Ricardo Cepeda) laban kay Angel. Tuluyan na nga bang mabibisto ang kanyang mga kasinungalingan?
Abangan 'yan sa Apoy sa Dugo tuwing Lunes hanggang Biyernes, 4:05 p.m. sa GMA Afternoon Prime.
RELATED GALLERY: Elle Villanueva brings class with her attorney looks in 'Apoy sa Dugo'