GMA Logo Apoy sa Langit
What's on TV

Apoy sa Langit: Ang mga maiinit na pagkikita nina Cesar at Stella

By Maine Aquino
Published November 30, 2025 8:01 AM PHT
Updated May 30, 2022 1:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma slightly accelerates, 27 areas under Signal No. 1
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Apoy sa Langit


Balikan ang mga maiinit na sandali nina Cesar (Zoren Legaspi) at Stella (Lianne Valentin) na tinutukan sa 'Apoy sa Langit.'

Hindi nagpapigil sina Cesar (Zoren Legaspi) at Stella (Lianne Valentin) sa kanilang mga maiinit na pagkikita sa Apoy sa Langit.

Nitong nakaraang Linggo, sunod-sunod ang maiinit na pagtatagpo nina Cesar at Stella. Patuloy ang pagsisinungaling at paggawa ng paraan ng dalawa para makapiling ang isa't isa.

Photo source: Apoy sa Langit

Nagsimula ang maiinit na pagtatagpo nina Cesar at Stella nakaraang linggo nang akitin ni Stella si Cesar sa loob ng kotse.

Hindi naman nagpapapigil si Stella sa pang-aakit kay Cesar. Sa episode nitong May 20, pinuntahan naman niya si Cesar sa opisina. Dito ay muntik na silang mahuli ni Gemma (Maricel Laxa), pero nakagawa pa rin ng paraan ang dalawa para makalusot.

Umalis si Gemma at Ning (Mikee Quintos) papuntang Baguio para sa isang event. Na-solo nina Cesar at Stella ang bahay at nagawa nila ang lahat ng kanilang gusto.

Sa pagbabalik nina Gemma, mahuhuli niya ang asawa sa kwarto ni Stella. Makakagawa naman ng dahilan si Cesar para hindi maisip ni Gemma na may ginagawa silang kalokohan ng nagpapanggap niyang anak.

Mahuhuli na ba sina Cesar at Stella sa kanilang mga plano? Abangan ang umiinit na tagpo ng Apoy sa Langit, Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m. sa GMA Network.

Kung hindi mo man ito mapanood on TV, maaaring i-stream ang full episodes ng serye at ng iba pang programa ng GMA sa GMANetwork.com o GMA Network app.