
Lagpas one million views na ang video ng Apoy sa Langit kung saan inggit na inggit si Stella (Lianne Valentin) sa sweet na moment nina Gemma (Maricel Laxa) at Cesar (Zoren Legaspi).
Sa video na ito ay ipinakita ang pagpapanggap ni Stella na maysakit para hindi matuloy ang date nina Gemma at Cesar.
Ilang mga netizens naman ang nanggigil sa bagong ginawa ni Stella sa episode na ito para lamang makuha si Cesar.
Ayon sa netizens, nakakagigil na si Stella dahil sa mga ginagawa niya. Isang netizen naman ay nagsabing dapat sinundan ni Gemma sina Cesar at Stella.
Photo source: Facebook
Ayon sa comments, effective na kontrabida si Lianne kaya marami ang gigil sa character niyang Stella.
Photo source: Facebook
Bukod sa mga nakakagigil na mga eksena ni Stella, tinututukan din ng mga manonood ang mga maiinit na eksena sa Apoy sa Langit.
Abangan sina Maricel, Zoren, Mikee, at Lianne at ang mga maiinit na eksena ng Apoy sa Langit, Lunes hanggang Sabado, pagkatapos ng Eat Bulaga.
Samantala, tingnan ang magagandang photos ng Kapuso star na si Lianne sa gallery na ito: