GMA Logo ara mina
Screenshot from Kay Susan Tayo! Vlogs
What's Hot

Ara Mina, nakatanggap ng indecent proposal noong sexy star pa

By Aimee Anoc
Published August 18, 2026 4:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PH Embassy in Austria reached out to Croatia-based Filipinos, assistance available
Suspect in ADZU shooting among 2 killed; 1 other hurt
Council for the Welfare of Children calls for respect for children's rights after Zamboanga school shooting

Article Inside Page


Showbiz News

ara mina


Naranasan ni Ara Mina na alukin ng 'ibabahay at bibigyan ng kotse.'

Inamin ni Ara Mina na marami siyang natanggap na indecent proposal noong panahong sexy star siya.

Isa si Ara sa pinakamalalaking sexy star noong '90s hanggang early 2000s. Labing-anim na taon lamang ang aktres nang unang magkaroon ng sexy lead role sa 1996 film na Init sa Tag-ulan.

"Ang sikat no'n sina Donna Cruz, Donita [Rose], Angelu [de Leon], Ana Roces, that time. So ako, parang mga nasa background lang ako lagi," kuwento ni Ara kay Susan Enriquez sa "Kay Susan Tayo! Vlogs."

"Biglang may offer sa akin na magse-sexy, bida. Kasi mommy ko laging sinasabi, 'Tumigil ka na mag-artista, hindi ka naman nagiging bida.' E 'di may offer, sabi ko, 'Oh! Ito, bida ako.' Init sa Tag-ulan, launching movie pero sobrang bata pa ako."

Nang tanungin kung nakatanggap ba siya ng indecent proposal noong panahong sexy star siya, sagot ng aktres ay "marami."

"Marami. Mayroon pa nga tumawag sa manager ko, magkano raw ako sa dinner. Sabi ng manager ko, 'Anong magkano sa dinner? Ah! Kakanta ba 'to? Anong event po?' 'Hindi, magdi-dinner lang sila.' Ay, nagalit 'yung manager ko. Napamura siya. 'Ay! Hindi ganyan ang alaga ko. Nagse-sexy siya pero hindi siya ganyan.'

"Syempre nagse-sexy na ko. 'Yung iba kasing mga businessman, 'yung mga ano, parang gano'n na ang tingin minsan sa mga nagse-sexy, 'di ba?" sabi ni Ara.

Mayroon din daw mga politikong nagparating sa kanya na gusto siyang makasama.

"Maraming mga gano'n. Minsan nga nagke-claim pa nga na nakasama ako. Sabi ko, 'Ha? Sino 'yon? 'Di nga ako nakarating sa bayan n'ya.' Yung mga gano'n, nu'ng mga time na nagse-sexy pa 'ko," dagdag niya.

May mga nag-alok din daw noon kay Ara na bibigyan siya ng kung ano man pero ani ng aktres: "Hindi ko po talaga kaya. Syempre, gusto mo mahalin mo 'yung tao. Parang pagtatrabahuan ko na lang. Parang hindi po ako nasisilaw sa gano'n."

Ikinuwento rin niya ang pinaka-indecent na proposal na natanggap niya.

"Isang beses, hindi ko na maalala kung sino nga siya, parang ibabahay ka, tapos may kotse," sabi niya. "May kotse naman ako ah. May bahay naman kami."

Para kay Ara Mina, "offending" kapag may mga ganitong nakakarating sa kanya.

"Kumbaga, pinalaki ako ng magulang ko. Pinag-aral ako nang maayos. Kumbaga, hindi ako pinalaki para mag-ganu'n lang."

Panoorin ang buong interview ni Ara Mina sa "Kay Susan Tayo! Vlogs" dito: