GMA Logo Arnold Reyes and Marian Rivera
What's on TV

Arnold Reyes, honored na nakatrabaho si Marian Rivera sa 'My Guardian Alien

By Dianne Mariano
Published March 25, 2024 11:18 AM PHT
Updated March 25, 2024 12:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Fans frustrated by long queues, ticket sales halt on day one of Australian Open
Girl, 7, hit, run over by pickup truck in Ilocos Sur; dies
'Heated Rivalry' star Hudson Williams makes runway debut at Milan Fashion Week

Article Inside Page


Showbiz News

Arnold Reyes and Marian Rivera


Grateful ang aktor na si Arnold Reyes na maging parte ng newest primetime series na 'My Guardian Alien.'

Isa ang aktor na si Arnold Reyes sa stellar cast ng nalalapit na GMA primetime series na My Guardian Alien.

Ang naturang serye ay pagbibidahan nina Marian Rivera at Gabby Concepcion kasama si Max Collins.

Related gallery: Here's what happened at the media conference of 'My Guardian Alien'

Sa naganap na media conference para sa serye, labis ang pasasalamat ni Arnold na naging bahagi ng cast at honored siya na nakatrabaho ang Kapuso Primetime Queen.

“I'm grateful na part ako ng show na ito. Actually, nung first day may mabigat kaming eksena agad ni Ms. Marian. Actually, sa totoo lang, nangatal talaga ako. Kasi siyempre isang karangalan ang makatrabaho ang isang Marian Rivera.

“Para sa akin, blessing 'yun na nandito ako sa show, na nakatrabaho ko siya at naka-eksena ko siya nang upclose. Para sa akin, I'm so happy. Maraming, maraming salamat,” aniya.

Bibigyang-buhay ni Arnold ang karakter na si Minggoy sa My Guardian Alien.

Sa Instagram story posts ng aktor, makikitang all-smiles siya kasama ang kanyang co-stars at ang direktor ng serye na si Zig Dulay sa naganap na media conference.

Bukod kay Arnold, kabilang din sa cast ng My Guardian Alien sina Gabby Eigenmann, Raphael Landicho, Kiray Celis, Tanya Gomez, Caitlyn Stave, Josh Ford, Sean Lucas, Tart Carlos, Christian Antolin, Kirst Viray kasama si Marissa Delgado.


Abangan ang world premiere ng My Guardian Alien sa April 1 sa GMA Prime.