GMA Logo Ashley Ortega at Xian Lim
What's on TV

Ashley Ortega at Xian Lim, bibida sa first Filipino figure skating series na 'Hearts On Ice'

By Aimee Anoc
Published February 28, 2023 2:22 PM PHT
Updated March 1, 2023 10:32 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Barangay kagawad at senior citizen, parehong patay sa banggaan ng kanilang motorsiklo sa Iloilo
Mandaue City LGU, Mihangyo nga Pondohan ang Itukod nga Hospital | Balitang Bisdak
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Ashley Ortega at Xian Lim


Abangan ang Philippines' first-ever figure skating drama series na 'Hearts On Ice,' simula March 13 sa GMA.

Inihahandog ng GMA ang kauna-unahang figure skating drama series ng bansa na tatalakay sa pangarap ng isang may kapansanan na manlalaro na maging isang kampeon.

Pagbibidahan ang Hearts On Ice ng isa sa pinakamahusay na aktres ng Kapuso Network na si Ashley Ortega at ng multitalented actor na si Xian Lim.

Makakasama rin nila sa seryeng ito ang batikang mga aktor na sina Amy Austria (Libay), Rita Avila (Yvanna), Tonton Gutierrez (Gerald), Lito Pimentel (Ruben), Ina Feleo (Coach Wendy), at Cheska Iñigo (Vivian). At ipinakikilala si Roxie Smith (Monique) kasama rin sina Kim Perez (Bogs) at Skye Chua (Sonja).

Si Ashley Ortega ang napiling gumanap bilang si Pauline "Ponggay" Bravo, na susubuking abutin ang naudlot na pangarap ng ina na maging isang matagumpay na figure skater.

Makikilala si Xian Lim bilang si Lawrence "Enzo" Razon III, cold-hearted at may pagka-arogante. Mula sa mayamang pamilya na matututong magsakripisyo at magtiwalang muli dahil kay Ponggay.

Gaganap naman si Amy Austria bilang si Liberty "Libay" Bravo, ang raketerang ina ni Ponggay na dating magaling na figure skater. Tinalikuran nito ang figure skating matapos na traydurin ng dating kaibigang si Yvanna Campos (Rita Avila), ang ina ni Monique (Roxie Smith) na magiging best friend at mahigpit na rival ni Ponggay sa figure skating.

Ang Hearts On Ice ay sa ilalim ng direksyon ni Direk Dominic Zapata.

Abangan ang world premiere ng Hearts On Ice ngayong March 13 sa GMA Telebabad.

KILALANIN ANG CAST NG HEARTS ON ICE SA GALLERY NA ITO: