GMA Logo Ashley Ortega and Xian Lim
What's on TV

Ashley Ortega reveals how hard Xian Lim trained on the ice rink for 'Hearts On Ice'

By Aimee Anoc
Published February 23, 2023 5:30 PM PHT

Around GMA

Around GMA

12-hour brownout in areas of Iloilo City set on Dec. 7, 2025
How Innovation is Transforming Healthcare
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Ashley Ortega and Xian Lim


Abangan ang unang tambalan nina Ashley Ortega at Xian Lim sa Philippines' first-ever ice-skating drama series na 'Hearts On Ice' ngayong Marso sa GMA.

Kapwa excited na sina Ashley Ortega at Xian Lim na mapanood ng lahat ang unang seryeng pagtatambalan nila, ang Hearts On Ice.

Parehong sumabak sa matinding training sa ice rink sina Ashley at Xian bilang paghahanda sa kanilang mga karakter sa kauna-unahang ice-skating drama series ng bansa.

Kahit dati ng isang competitive figure skater, nag-training ang aktres at naglaan ng panahon para mapag-aralang mabuti ang kanyang bagong karakter.

"Aside from training, syrempre inaaral ko rin 'yung character ko. I want to give justice to my role, her name is Ponggay. At saka may extra challenge din 'yung role ko roon sa figure skating. Extra challenge s'ya for me kasi may something s'ya, so I have to make an effort--to look good inside the rink, to do all my stunts without falling," pagbabahagi niya.

Ikinuwento rin ng aktres na sabay silang nagte-training ni Xian at nakikita niya ang dedikasyong ibinibigay nito para matutong mag-ice skate. Dahil backdrop ng magandang kuwento ng Hearts On Ice ang sports na figure skating, kinakailangan din ng aktor na matutunan ito.

A post shared by Xianshine Lovers (@xianshineloversig)

"Si Xian Lim, talagang he trained for three to four months para lang hindi raw s'ya magmukhang nakakahiya. Kapag nakikita ko siya sa skating rink, mas maaga pa siyang pumupunta sa akin roon. Magbubukas pa lang 'yung mall nandu'n na siya.

"Sabi ko, 'Bakit nandito ka na tapos parang araw-araw?' Sabi niya, 'Nahihiya kasi ako sa 'yo,' sabi ko, 'bakit ka mahihiya sa akin. Ako nga 'yung nahihiya sa 'yo because you're Xian Lim.' Pero I really admired his effort and his passion, na-in love s'ya sa sport ko.

"Nung nagsu-shoot kami... 'yung production like every time they would film me performing, nai-in love din sila sa sport, naa-appreciate nila. So sana once na nag-air na s'ya, ma-in love din lahat ng tao sa sport, sa ginagawa namin, because it's really inspiring," kuwento niya.

Abangan ang unang tambalan nina Ashley at Xian sa Hearts On Ice, simula Marso sa GMA Telebabad.

KILALANIN ANG IBA PANG CAST NG HEARTS ON ICE SA GALLERY NA ITO: