GMA Logo Ashley Ortega
Photo by: Ashley Ortega
What's on TV

Ashley Ortega, kinilig nang makita ang 'Hearts On Ice' billboard

By Aimee Anoc
Published March 12, 2023 2:03 PM PHT
Updated March 12, 2023 6:47 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dennis Trillo amid AACA 2025 win for 'Green Bones': 'Importante, matuto 'yung mga tao sa kuwento'
Son of viral PUJ driver hired by DPWH after passing board exam
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Ashley Ortega


Excited na rin ba kayong makilala ang ice princess ng primetime? Abangan si Ashley Ortega bilang Ponggay sa 'Hearts On Ice' ngayong March 13 sa GMA Telebabad.

Umaapaw ang pasasalamat ni Kapuso actress Ashley Ortega para sa lahat ng naniwala sa kanya sa pinakabagong sportserye ng GMA, ang Hearts On Ice.

Simula March 13, mapapanood na ang unang lead role ni Ashley sa Philippines' first-ever figure skating series na Hearts On Ice, kung saan makakatambal niya ang multi-talented actor na si Xian Lim.

Ngayong nabigyang katuparan na ang dream role niya na magkaroon ng isang figure skating show, handa na rin si Ashley na magbigay ng isang ice show na paniguradong tatatak sa mga manonood.

Sa Instagram, ibinahagi ng aktres ang kilig na nararamdaman nang makita na ang billboard ng Hearts On Ice.

"First time seeing our billboard! I'm so kilig. Thank you to everyone who believed me," sulat ni Ashley.

Sa Hearts On Ice, makikilala si Ashley bilang Pauline "Ponggay" Bravo, na kahit na may kapansanan ay susubukin niyang abutin ang naudlot na pangarap ng ina na maging isang matagumpay na figure skater.

Makakasama rin niya sa serye ang beterano at kilalang mga aktor na sina Amy Austria, Tonton Gutierrez, Rita Avila, Lito Pimentel, Ina Feleo, at Cheska Iñigo. Ipinakikilala rin si Roxie Smith kasama sina Kim Perez at Skye Chua.

Abangan ang world premiere ng Hearts On Ice ngayong March 13, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.

Panoorin ang full trailer ng Hearts On Ice dito:

TINGNAN ANG NAGANAP NA MEDIA CONFERENCE NG HEARTS ON ICE SA GALLERY NA ITO: