
"Memorable" para sa seasoned actor na si Tonton Gutierrez ang bawat pagpunta niya sa taping ng Hearts On Ice.
Kuwento ng aktor sa GMANetwork.com, ito ay dahil sa masayang set at magaang makatrabaho ang lahat.
Hanga rin siya sa husay at pagiging professional ng young stars ng Hearts On Ice lalo na ang lead stars nitong sina Ashley Ortega at Xian Lim.
"Ang gagaling nila, they are very professional. At saka tutok sila sa kanilang mga craft, sa kanilang mga trabaho," sabi ng aktor.
Nakasisiguro naman ang aktor na magugustuhan ng manononood ang bagong tema at kuwentong handog ng kauna-unahang figure skating series ng bansa.
"It is something new, this is the first time na may gagawa ng ganitong istorya. Since it's a new one, bagong istorya, bagong tema, siguradong magugustuhan din ng mga viewers ito," pagbabahagi niya.
Sa Hearts On Ice, makikilala si Tonton bilang Gerald, may-ari ng isang construction company at kapatid ni Yvanna (Rita Avila). Siya rin ang dating kasintahan ng ina ni Ponggay (Ashley Ortega) na si Libay (Amy Austria). Sa kasalukuyan, engage siya sa ina ni Enzo (Xian Lim) na si Vivian (Cheska Iñigo).
Abangan ang world premiere ng Philippines' first-ever figure skating drama series na Hearts On Ice ngayong March 13, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.
TINGNAN ANG NAGANAP NA MEDIA CONFERENCE NG HEARTS ON ICE SA GALLERY NA ITO: