
Inamin ni Ashley Ortega na naging mahirap din para sa kanya ang naging breakup nila noon ni Lucena City Mayor Mark Alcala.
Sa Fast Talk with Boy Abunda kamakailan, muling sumalang sa interview si Ashley kasama ang kapwa Sparkle 10 member na si Shuvee Etrata.
Dito ay tinanong ni Boy Abunda si Ashley kung ano ang natutunan niya sa paghihiwalay nila ng ex-boyfriend na si Mark.
“Marami po akong natutunan…of course to love yourself more,” sagot ni Ashley.
Pero pag-amin ng aktres, “Aaminin ko when we broke up talagang I was at my lowest din kasi siyempre na-in-love tayo ng sobra.”
Paglilinaw niya, “But what happened before, it was a mutual agreement naman. So ngayon, I'm better.”
Dagdag pa ni Ashley, “Siguro ang natutunan ko lang talaga is to not to depend on others na parang [dapat] magtira ka para sa sarili mo.”
RELATED GALLERY: Celebrity breakups that shocked the public
Ayon kay Ashley, hindi pa sila nagkakausap ni Mark simula nang sila ay maghiwalay noong 2022. Pero handa naman siya kung sakaling sila ay muling magkita.
Aniya, “Pero ngayon kasi hindi pa rin talaga kami nag-uusap. Pero wala na, I mean if we bumped into each other feeling ko kaya naman na makipag-usap. 'Yung mom n'ya kasi, nag-uusap pa rin [kami] from time to time.”
Matatandaan na noong March 2023, sinabi rin ni Ashley sa Fast Talk with Boy Abunda ang naging dahilan ng hiwalayan nila ni Mark.
Kuwento niya noon, “Siguro Tito Boy, naging busy kami sa work, and siguro isa sa mga naging problem was 'yung distance - he was in the province, he was the newly elected mayor, I was busy with work, kakatapos ko lang ng Widow's Web no'n and then I started training for Hearts On Ice sa skating so medyo nawala siguro 'yung connection and communication.”
Dagdag pa niya, “It was mutual naman po. We decided to better ourselves individually na mag-focus na lang muna sa career and ayoko naman ipilit pa - kung alam naman namin na mas lalo lang magiging toxic.”
Samantala, mapapanood naman si Ashley sa upcoming historical drama ng GMA na Pulang Araw kasama sina Barbie Forteza, Sanya Lopez, David Licauco, at Alden Richards. Gaganap siya rito bilang isa sa mga comfort women noong panahong ng mga Hapones sa Pilipinas.