GMA Logo Ashley Ortega
Photo source: ashleyortega (IG), GMA Drama
What's on TV

Ashley Ortega, nagulat sa kanyang character plot twist sa 'Apoy sa Dugo'

By Karen Juliane Crucillo
Published June 4, 2026 12:43 PM PHT

Around GMA

Around GMA

MGI All Stars announces 2nd edition, applications open June 6
Check out this cafe inside the National Museum of Fine Arts
DND,PAOCC: Steel mill plant raid in MisOr not politically motivated

Article Inside Page


Showbiz News

Ashley Ortega


Ashley Ortega sa kanyang character plot twist: "Pati ako nagulat din tulad ng viewers."

Sa mga susunod na linggo, mas lalo pang titindi ang mga eksena sa GMA Afternoon Prime series na Apoy sa Dugo dahil sa malaking rebelasyon tungkol sa tunay na pagkatao ni Kiara (Ashley Ortega).

Ayon sa report ni Athena Imperial sa 24 Oras noong Miyerkules, June 3, inamin ng Apoy sa Dugo actress na nagulat din siya sa plot twist ng kanyang karakter.

"Medyo late ko na lang din nalaman. I found out na ako pala si Kiara. During that time na shino-shoot namin 'yung bandang week na 'yun, so I wasn't aware, so pati ako nagulat din tulad ng viewers," sabi ng aktres.

Ibinahagi rin ni Ashley na natuwa siya sa takbo ng istorya dahil mahilig siya sa mga ganitong klaseng genre.

Dagdag pa niya, "Ito rin kasi 'yung mga hilig ko na genre na mga movies and shows. 'Yung plot twist na hindi mo ine-expect."

Habang papalapit ang pagtatapos ng kanilang taping, inamin ng Sparkle artist na nakaramdam siya ng lungkot dahil napalapit na siya sa cast at production team ng serye.

"Talagang naka-buo na ako ng relationship with the cast and production. Lagi ko silang nakikita, so I am happy, but at the same time, I am sad kasi syempre ang tagal din ng pinagsamahan naming lahat, but again, I am just really happy and sobrang proud of Apoy sa Dugo," pahayag niya.

Kamakailan, nagkaroon din ng quick vacation si Ashley sa Bohol, na isinabay niya sa isang event na kanyang dinaluhan doon.

Abangan ang iba pang nakakagulat na plot twists sa Apoy sa Dugo tuwing Lunes hanggang Biyernes, 4:05 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

RELATED GALLERY: All the times Ashley Ortega served savage moments in 'Apoy sa Dugo'