
Isa sa mga pinag-uusapan sa social media at sa GMA Afternoon Prime series na Apoy sa Dugo ang mental health.
Sa isang exclusive interview ng GMA Network.com, ibinahagi ni Ashley Ortega, na gumaganap bilang Kiara sa serye, na naiintindihan niya ang bawat taong nakararanas ng mental health struggles tulad ng kanyang karakter.
"Well, actually sa generation namin, a lot of people are going through it. And ako naman, of course, there was a time rin na I got depressed. I felt lonely, and may mga mental breakdowns," pahayag ng aktres.
Para kay Ashley, nakatulong ang kanyang pamilya at mga kaibigan upang mapabuti ang kanyang kalagayan noong hinaharap niya ang hamon sa kanyang mental health.
"I surrounded myself with the right people para may emotional support ako from my loved ones. And you know, importante rin talaga 'yung pagdadasal sa Diyos," kuwento niya.
Dagdag pa niya, "Doon talaga kay Lord kumapit during my darkest moments in life na akala ko wala akong kakampi. Kumapit lang ako kay Lord, and everything became better day by day."
Nagbigay rin ang Sparkle artist ng paalala na okay lang maramdaman ang iba't ibang emosyon, kabilang ang kalungkutan.
"You just have to go through it, every pain. Just don't give up, and huwag ka lang ma-stuck sa pinagdadaanan mo. Just don't be stuck, para you have to keep moving forward," payo niya.
Abangan ang mas tumitindi pang mga eksena sa finale week ng Apoy sa Dugo, Lunes hanggang Biyernes, 4:05 p.m. sa GMA Afternoon Prime.
RELATED GALLERY: Celebrities open up about mental health struggles