GMA Logo Ashley Ortega
Source: ashleyortega (IG)
What's on TV

Ashley Ortega on being single for a long time: 'Kaya ko naman pala'

By Kristian Eric Javier
Published March 25, 2026 1:03 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cardinal Tagle to represent Pope Leo at Archbishop Fulton Sheen beatification
National energy emergency declaration may be too late, prof says
AirAsia Ph expands Vietnam Network with launch of Manila-Hanoi route

Article Inside Page


Showbiz News

Ashley Ortega


Umabot sa puntong hindi na naisip ni Ashley Ortega na kailangan niyang magpakasal at ng lalaki sa buhay. Alamin kung bakit dito.

Ilang taon matapos manirahan mag-isa at manatiling single, inamin ni Apoy sa Dugo star Ashley Ortega na minsan na niyang naisip na huwag nang magpakasal. Sabi ng aktres, naramadaman niya kasing kaya niyang mag-survive ng walang lalaki sa buhay, lalo na pagkatapos ng kaniyang heartbreak noon.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, March 25, sinabi ni Ashley na kahit matagal na siyang single at naninirahan mag-isa, at the end of the day, alam niyang kailangan pa rin niya ng makakasama.

“I mean kaya ko independently, pero iba rin kasi talaga if you know, galaw in a manly way, like helping me in other things so it is important,” sabi ni Ashley.

Ngunit sabi rin ng aktres, “Akala ko nga dati na parang I can survive without a man. There was a time nga before na parang I don't wanna get married anymore. Ito 'yung mga heartbroken days ko na parang hindi ko na kailangan ng lalaki sa buhay ko.”

TINGNAN ANG PARISIAN GIRL AESTHETIC NI ASHLEY SA GALLERY NA ITO:

Sa katunayan, sabi ni Ashley, noong nanatili siyang single ng dalawang taon, na-realize niyang kaya naman pala niyang mag-isa. Ngunit noong muli siyang na-in love, doon niya umano napagtanto kung gaano kaimportante ang lalaki sa kanyang buhay.

“Of course, I also grew up in a family na separated 'yung parents ko, wala akong naging father figure. Of course, one of my goals is to have my own children, to have my own family. Of course, I want to have a whole family. Gusto ko may tatay na kalakihan 'yung mga anak ko,” sabi ng aktres.

Importante man ito sa kanya, alam umano ni Ashley na mayroon ding mga babae na ayaw magpakasal at sa ngayon, hindi pa niya nakikitang magpapakasal siya. Nilinaw naman niyang gusto pa rin niya magkaroon ng pamilya, pero hindi pa sa ngayon.

Panoorin ang panayam kay Ashley dito: