GMA Logo Ashley Sarmiento and Marco Masa in MAKA
Photo by: Clare Cabudil
What's on TV

Ashley Sarmiento at Marco Masa sa 'MAKA': 'Kami ang boses ng Gen Z'

By Aimee Anoc
Published October 11, 2024 2:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Barangay kagawad at senior citizen, parehong patay sa banggaan ng kanilang motorsiklo sa Iloilo
Mandaue City LGU, Mihangyo nga Pondohan ang Itukod nga Hospital | Balitang Bisdak
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Ashley Sarmiento and Marco Masa in MAKA


Masaya sina Ashley Sarmiento at Marco Masa na napasama sa inspiring youth-oriented show na 'MAKA,' na anila, sila ang "magiging boses ng Gen Z." Alamin dito.

Kapwa mahalaga para sa on-screen love team na sina Ashley Sarmiento at Marco Masa na magkaroon ng mga youth-oriented show na "magiging boses" ng mga kabataang tulad nila.

Kaya ganoon na lamang ang saya at pasasalamat ng AshCo nang napabilang sa inspiring teen show na MAKA, na anila, silang "magiging boses ng Gen Z" para malaman ang mga karanasan at hinaharap sa buhay ng kanilang henerasyon.

Ang MAKA ang pinakabagong youth-oriented show ng GMA Public Affairs na pinagbibidahan ng Sparkle stars na sina Zephanie, Marco Masa, Ashley Sarmiento, Dylan Menor, John Clifford, Olive May, Chanty Videla, Sean Lucas, at May Ann Basa o "Bangus Girl." Kasama rin nila sa show ang seasoned actor na si Romnick Sarmenta.

Tampok sa MAKA ang kuwento ng high school students sa Arts & Performance (A&P) section ng Douglas MacArthur High School for the Arts o MAKA High, kung saan natutunghayan ang ilang relatable issues na kinakaharap ng mga Gen Z at ang kanilang pakikisalamuha sa ibang henerasyon tulad ng millennials, Gen X, at boomers.

"Kumbaga, [ang] focal point po namin is maihatid sa mga GenZ, sa mga kaedaran po namin 'yung mga bagay na nararanasan po nila in this age," sabi ni Marco sa interview sa Updated With Nelson Canlas.

"Kami po 'yung magiging boses din ng Gen Z para ma-express po yung mga nararamdaman nila kasi aminin po natin mayroon pong mga sariling inner thoughts po ang mga Gen Z ngayon. Du'n po namin maipapakita sa pamamagitan ng show po namin. And of course, yung friendship po sa high school life," dagdag niya.

Pagpapatuloy ni Ashley, "I think, it's just nice na mayroong nagre-represent na teen show on TV na napapanood ng teens, na katulad namin, makikita nila na okay lang din kung anuman pinagdadaanan nila, napapagdaanan naman talaga siya. At kailangan harapin 'yung mga ganung sitwasyon."

Sa MAKA, napapanood si Ashley bilang Ashley Salonga, isang TikTok influencer at estudyante sa MAKA High, habang si Marco ay gumaganap bilang Marco Reyes, na kahit walang interes sa teatro at pag-arte ay pinilit na makapasok sa MAKA High para sa isang babae.

Subaybayan ang AshCo sa MAKA tuwing Sabado, 4:45 p.m. sa GMA.

KILALANIN ANG CAST NG MAKA SA GALLERY NA ITO: