GMA Logo Gen Z series MAKA audition
What's on TV

MAKA: Mag-audition na bilang student o teacher sa MAKA High

By Aimee Anoc
Published October 8, 2024 2:34 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Barangay kagawad at senior citizen, parehong patay sa banggaan ng kanilang motorsiklo sa Iloilo
Mandaue City LGU, Mihangyo nga Pondohan ang Itukod nga Hospital | Balitang Bisdak
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Gen Z series MAKA audition


Gusto mo rin bang makapasok sa MAKA High? Mag-audition na! Alamin ang ibang detalye rito.

Narito na ang inyong pagkakataon na mapasama sa Gen Z squad ng MAKA at makapasok sa Douglas MacArthur High School for the Arts o MAKA High bilang isang estudyante o guro.

Mag-post lamang ng inyong audition video na sumasayaw, kumakanta, o umaarte at sabihin kung bakit karapat-dapat kang maging talent sa MAKA.

I-tag ang social media accounts ng MAKA o GMA Public Affairs at gamitin ang hashtag na #PangarapKongMAKA.

Maaaring mag-audition ang Pinoy students at mentors edad 16 at pataas hanggang October 15.

Ang MAKA ay pinagbibidahan ng Sparkle stars na sina Zephanie, Marco Masa, Ashley Sarmiento, Dylan Menor, John Clifford, Olive May, Chanty Videla, Sean Lucas, at May Ann Basa o "Bangus Girl."

Nagbibigay inspirasyon din sa teen show ang seasoned actor na si Romnick Sarmenta at ang ilang That's Entertainment stars na sina Tina Paner, Sharmaine Arnaiz, Maricar de Mesa, at Jojo Alejar, kasama ang beteranang aktres at singer na si Carmen Soriano.

Tampok sa inspiring teen show, na may musical elements, ang kuwento ng high school students sa Arts & Performance (A&P) section ng MAKA High, kung saan matutunghayan ang ilang relatable issues na kinakaharap ng mga Gen Z at ang kanilang pakikisalamuha sa ibang henerasyon tulad ng millennials, Gen X, at boomers.

Subaybayan ang MAKA tuwing Sabado, 4:45 p.m. sa GMA.

KILALANIN ANG CAST NG MAKA SA GALLERY NA ITO: