
New year, new you ika nga kaya naman ngayong 2025, kaniya-kaniyang assessment sina Kapuso stars Ashley Sarmiento, Marco Masa, Sofia Pablo, at Allen Ansay kung ano ang iiwan nila sa taong 2024.
Sa panayam sa kanila ni Nelson Canlas para sa 24 Oras nitong January 1, sinabi ni Ashley na gusto niyang iwan sa 2024 ang kaniyang “past self” at gusto niya raw ng bagong version niya sa bagong taon.
Time is gold pa rin para kay Marco kaya naman sa pagpasok ng bagong taon, pagpapahalagahan niya raw ang oras niya para maging mas productive. Kaya naman ang babaguhin niya ngayong 2025, ang pag-procrastinate niya.
“Kasi minsan talaga, may mga times na nakakatamad talaga kumilos but yeah, this year, plano ko talaga just to do a lot, to do more,” sabi ng young actor.
Nagbahagi naman sina Prinsesa ng City Jail stars Sofia at Allen kung ano ang dapat baguhin ng isa't isa ngayong 2025.
Ani Sofia, ang dapat baguhin umano ni Allen, “Dapat iwan niya 'yung [pagiging late], 'Pwede naman ma-late kahit 10 minutes.'”
Suhestiyon naman ng aktor na dapat baguhin ng kaniyang ka-love team, “Hindi pagkain ng gulay. Last year mo pa 'yan pinangako.”
TINGNAN KUNG PAANO SINALUBONG NG KAPUSO CELEBRITIES ANG 2025 SA GALLERY NA ITO:
Health is wealth para kina Kapuso stars Sanya Lopez at Ysabel Ortega kaya naman ang mga babaguhin nila ngayong taon, may kinalaman sa kanilang kalusugan.
“Eating more. Hindi, kasi malakas talaga akong kumain. 'Yun din, bukod sa sleeping late, malakas din talaga [kumain]. Siguro nagiging hobby na rin lang talaga kapag wala ka masyadong ginagawa,” sabi ni Sanya.
Para naman kay Ysabel, “Stop sleeping late. Bawal na munang magpuyat ngayon.”
Maliit man o malaki ang mga gustong baguhin ngayong taon, ang mahalaga ay bawat isa sa mga plano ay para sa ikabubuti ng sarili at ng iba.
Panoorin ang buong panayam nila dito: