
Hindi naiwasang ma-intimidate ng Sparkle actress na si Ashley Sarmiento sa seasoned actor na si Romnick Sarmenta nang una niya itong makita.
Kapwa kabilang sina Ashley at Romnick sa lead cast ng youth-oriented show na MAKA at ito ang unang beses na nakatrabaho ng teen star ang aktor sa isang serye.
Sa interview sa Updated with Nelson Canlas, ikinuwento ni Ashley ang takot at excitement na naramdaman nang makatrabaho si Romnick.
"Actually, nu'ng una ko pong nakita siya na-intimidate po ako kasi siyempre si Sir Romnick Sarmenta," sabi ni Ashley.
"Pero po nung once na nakipag-usap po siya sa amin and na-realize ko na, 'Oh my gosh! I'm so excited to work with Sir Romnick,' kasi alam ko na marami akong matutunan po sa kanya," dagdag niya.
Sa MAKA, napapanood si Ashley bilang Ashley Salonga, isang TikTok influencer at estudyante sa MAKA High, habang gumaganap naman si Romnick bilang Sir V, ang mentor sa Arts & Performance (A&P) section ng MAKA High.
Kasama rin ni Ashley sa MAKA ang iba pang Sparkle stars na sina Zephanie, Marco Masa, Dylan Menor, John Clifford, Olive May, Chanty Videla, Sean Lucas, at May Ann Basa o "Bangus Girl."
Tampok sa MAKA ang kuwento ng high school students sa Arts & Performance (A&P) section ng Douglas MacArthur High School for the Arts o MAKA High, kung saan natutunghayan ang ilang relatable issues na kinakaharap ng mga Gen Z at ang kanilang pakikisalamuha sa ibang henerasyon tulad ng millennials, Gen X, at boomers.
Subaybayan ang MAKA tuwing Sabado, 4:45 p.m. sa GMA.
KILALANIN ANG CAST NG MAKA SA GALLERY NA ITO: