
May bagong karakter na aabangan ang viewers ng romantic comedy series na Love, Siargao.
Ngayong Biyernes, July 24, makikilala na sa serye si AZ Martinez bilang si Lexi.
Sa teaser na inilabas ng serye, makikitang nagbabalik sa Siargao si Jao (Alden Richards) upang aminin na ang kanyang nararamdaman kay Kara (Nadine Lustre).
Ngunit sa kanyang pagbabalik, darating si Lexi (AZ Martinez), na tila matagal nang kakilala ni Jao.
Si Lexi nga ba ang magiging karibal ni Kara sa puso ni Jao? Matutuloy pa kaya ang pagiging more than friends nina Jao at Kara?
Sa comments section ng teaser, marami ang na-excite sa pagpasok ng karakter ni AZ sa serye.
Bukod kay AZ, kabilang din sa cast ng serye sina Coleen Garcia, Kim Ji Soo, Kyline Alcantara, Vince Maristela, Gab Lagman, Kakki Teodoro, Adrian Lindayag, at Christopher Diwata.
Tutukan ang Love, Siargao tuwing Biyernes at Sabado, 6:00 p.m., sa Viu.
RELATED GALLERY: AZ Martinez's sexiest photos