GMA Logo AZ Martinez
What's Hot

AZ Martinez, pinabilib ang viewers sa rom-com acting sa 'Love, Siargao'

By Karen Juliane Crucillo
Published July 29, 2026 3:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Pag-withdraw ng OVP ng malaking halaga ng pera, 'unusual,' ayon sa dating LandBank manager
BTS to skip 2027 Grammy Awards
Marcos inspects housing project in Duterte stronghold Davao City

Article Inside Page


Showbiz News

AZ Martinez


Umani ng papuri ang acting ni AZ Martinez sa kanyang pagganap sa 'Love, Siargao.'

Nakatanggap ng mainit na suporta ang karakter ni AZ Martinez na si Lexi sa romantic comedy series na Love, Siargao.

Sa episode noong July 24, ipinakilala na ang karakter ni AZ bilang longtime friend ni Jao (Alden Richards).

Umani ng papuri ang pagganap ng Sparkle artist sa comments section ng official Facebook page ng Viu Philippines.

Kinagiliwan ng viewers ang natural na pag-arte ni AZ, lalo na ang pagiging bagay niya sa mga romantic comedy role.

Narito ang ilan sa mga reaksyon ng viewers sa karakter ni AZ sa Love, Siargao:

Hindi ito ang unang pagkakataon na napansin ng fans at viewers ang husay ni AZ sa romantic comedy. Noong gumanap siya bilang si Sari sa The Secrets of Hotel 88, marami rin ang humanga sa kanyang natural na pag-arte at binansagan pa siya bilang "Next Rom-Com Princess."

Patuloy na panoorin si AZ sa Love, Siargao tuwing Biyernes at Sabado, 6 p.m., sa Viu.

RELATED GALLERY: AZ Martinez turns up the heat in jaw-dropping beach snaps in Siargao