GMA Logo tadhana
What's on TV

Babae, nahuli ang mister at ina sa pagtataksil sa 'Tadhana: Family Affairs'

By Bianca Geli
Published June 21, 2025 11:18 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Magna Carta of Filipino Seafarers: What It Means for Those Who Live Life at Sea
D4vd arrested on suspicion of killing 14-year-old girl found decaying in Tesla
GMA Kapuso Foundation, namahagi ng tulong sa mga apektado ng mahal na langis sa Mt. Province sa ilalim ng Operation Bayanihan Project | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

tadhana


Pag-uwi ni Marnie (Analyn Barro), mahuhuli niya ang pagtataksil ng asawa at sariling ina.

Isang matinding rebelasyon ang sasambulat sa bagong episode ng Tadhana: Family Affairs ngayong Sabado, June 21

Para panindigan ang kanyang mag-ina, titira si Jude (Kim Perez) sa bahay ng kanyang kasintahan na si Marnie (Analyn Barro). Pero lingid sa kaalaman ni Marnie, bukod sa kanilang anak ay may iba pang inaalagaan si Jude--ang kanyang Mama Glenda (Maureen Larrazabal).

Matapos ang ilang taong panloloko nina Jude at Glenda, ang mismong ina ni Marnie, sa kanya, ang katotohanan ay tuluyang mabubunyag.

Si Gloria, ang kapatid ng asawa ni Glenda, ang nakadiskubre ng matagal nang pagtataksil at agad itong sasabihin kay Marnie. Sa pagbabalik niya sa Pilipinas, si Marnie mismo ang makakasaksi sa kahindik-hindik na katotohanan--ang kanyang asawa at ina, magkasama sa pagtataksil!

Paano haharapin ni Marnie ang matinding sakit at galit? Maghihiganti ba siya, at paano?

Huwag palampasin ang matinding bangayan, emosyon, at paghaharap sa Tadhana: Family Affairs ngayong Sabado, 3:15 PM sa GMA-7, at sa GMA Public Affairs' Facebook at YouTube livestream.