GMA Logo Babawiin Ko Ang Lahat
What's on TV

Babawiin Ko Ang Lahat: Ang karma ni Dulce

By Aedrianne Acar
Published May 24, 2021 4:03 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Leviste seeks probe of P8-B DPWH projects from ‘Cabral files’
Separate fires hit over 10 structures in Bacolod City
Heart Evangelista teases new project on social media

Article Inside Page


Showbiz News

Babawiin Ko Ang Lahat


Balikan ang intense scenes sa finale week ng patok na afternoon drama na 'Babawiin Ko Ang Lahat!'

It was a finale to remember!

Tinutukan ng televiewers ang maiinit na tagpo at tapatan sa huling linggo ng hit afternoon series na Babawiin Ko Ang Lahat.

Sa pagtatapos ng soap na biggest break ni Pauline Mendoza, nagpaabot ito ng pasasalamat sa lahat nang sumporta sa kanilang proyekto.

Tweet niya, ““Thank you everyone for all the support and sa lahat po ng nag mahal ng Babawiin Ko Ang Lahat.

“Signing off,

“Iris Salvador”

Napakapit sa kanilang inuupan ang mga manonood nang nagsalubong finally ang landas ni Christine (Tanya Garcia-Lapid) at Dulce (Carmina Villarroel).

Sa tindi ng galit ng asawa ni Victor (John Estrada), hindi napigilan nito ipatikim sa first wife ng kanyang asawa ang galit at poot niya sa lahat nang ginawa nito sa kanyang pamilya.

Makinig kaya si Dulce sa apela ng sariling anak na si Joel (Kristoffer Martin) na tigilan na ang kanyang pinaggagawa?

Halos mabaliw ang mag-inang Iris (Pauline Mendoza) at Christine sa paghahanap kay Victor kung saan ito itinago ni Dulce.

Huli na ba ang lahat para kay Victor?

Isa-isang pumapalya ang plano ni Dulce, kahit ang anak niya na si Trina (Liezel Lopez) na kakampi nito ay nakokonsensya na sa mga nangyayari--the end is near for Victor's scheming first wife.

Doble ang balik ng karma kay Dulce matapos kunin ang lahat mula sa pamilya ni Iris. Siningil naman siya sa huli sa lahat ng kasamaan niya. Bukod sa nakulong sa kanyang krimen, namatay pa ang kanyang panganay na anak na si Joel.

Para sa mga gustong panoorin muli ang kuwento ng hirap at pagbangon ni Iris Salvador, please visit this link for the full episodes of Babawiin Ko Ang Lahat!

For our Kapuso abroad, you can watch the latest episodes on GMA Pinoy TV! For more information, visit http://www.gmapinoytv.com

Related content:

Five reasons why you need to watch 'Babawiin Ko Ang Lahat'