GMA Logo Babawiin Ko Ang Lahat
What's on TV

Babawiin Ko Ang Lahat: Huli na sina Iris at Victor sa bitag na gawa ni Dulce

By Aedrianne Acar
Published April 27, 2021 4:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ancestral house of Gregoria de Jesus reportedly demolished without permits
Cebu's Gazini Ganados reaches Top 5 in MGI All Stars
Farm to Table: Classic Pinoy dishes

Article Inside Page


Showbiz News

Babawiin Ko Ang Lahat


Heto ang mga nangyari sa 8th week ng 'Babawiin Ko Ang Lahat!'

Dahil sa pressure na ginawa nilang pagtatanan, madadala ng kanilang emosyon sina Iris (Pauline Mendoza) at Randall (Dave Bornea) matapos maka-inom.

Sa pagising nila kinabukasan, paano haharapin ng magkasintahan na maaring may nangyari sa kanilang dalawa?

Ano ang gagawin ni Victor (John Estrada) kapag matuklasan niya ito?

Photos taken from GMA Network YouTube

Honeymoon is over for Iris and Randall.

Mahuhuli silang dalawa ni Victor na hubo't hubad sa kanilang pinagtataguan.

Magtatagumpay si Trina (Liezel Lopez) sa paglason sa isipan ng kanyang half sister at mapapaniwala niya ito na playboy lamang ang boyfriend nito.

Paano na ang relasyon ni Victor at tatay ni Randall na si Greg (Gio Alvarez)?

Pilit aagawin ni Dulce (Carmina Villarroel) sa anak na si Joel (Kristoffer Martin) ang cellphone ni Christine (Tanya Garcia-Lapid) na naglalaman ng ebidensya laban sa kanya.

Mabawi kaya ito ni Dulce bago malaman ni Victor na hawak nila ang gamit ng nawawala niyang asawa?

Sa wakas nagbunga na ang ginagawang pang-aakit ni Dulce kay Victor.

Tuluyan na bang makakalimutan ng tatay ni Iris si Christine?

Sundan sa susunod na linggo ang gumagandang kuwento ng Babawiin Ko Ang Lahat sa GMA Afternoon prime, pagkatapos ng Karelasyon.

For our Kapuso abroad, you can watch the latest episodes on GMA Pinoy TV! For more information, visit www.gmapinoytv.com

Related content:

Five reasons why you need to watch 'Babawiin Ko Ang Lahat'