GMA Logo babawiin ko ang lahat
What's on TV

Babawiin Ko Ang Lahat: Iris at Trina, nagpang-abot sa fountain

By Aedrianne Acar
Published May 10, 2021 2:53 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ancestral house of Gregoria de Jesus reportedly demolished without permits
Cebu's Gazini Ganados reaches Top 5 in MGI All Stars
Farm to Table: Classic Pinoy dishes

Article Inside Page


Showbiz News

babawiin ko ang lahat


Panoorin ang mga pangyayari sa week ten ng 'Babawiin Ko Ang Lahat!'

Ipaparamdam ni Trina (Liezel Lopez) sa half-sister niya na si Iris (Pauline Mendoza) ang galit niya, dahil itotodo na niya ang pagganti dito at gagawin itong alila.

Paano haharapin ng dating prinsesa ang buhay niya ngayon na tila isang malaking bangungot?

Magiging marahas si Trina sa pagpigil kay Iris na puntahan ang kapatid nilang si Joel (Kristoffer Martin) na bumalik sa mansyon.

Sa tindi ng away nang dalawa, umabot sila at nagkasakitan pa sa water fountain.

Sa pamamagitan ng cellphone ni Trina, hihingi ito ng tulong kina Joel at Randall (Dave Bornea).

Dito isisiwalat sa kanyang kuya na paralyzed ang kanilang ama na si Victor (John Estrada

Punong-puno na si Iris sa kasamaan ni Dulce (Carmina Villarroel), umamin ito na humingi siya ng tulong para iligtas siya at kanyang Daddy Victor.

Ano ang gagawin ni Dulce para walang mangyari sa rescue operation nina Joel at Randall?

Pinagugulong na ni Dulce ang kanyang mga plano para simutin ang ari-arian ng pamilya ni Victor.

Samantala, magkakaroon naman ng chance si Iris na makita ang kanyang ama at may susubukan itong sabihina sa kanya.

Sundan ang huling dalawang linggo ng Babawiin Ko Ang Lahat sa GMA Afternoon prime, pagkatapos ng Karelasyon.

For our Kapuso abroad, you can watch the latest episodes on GMA Pinoy TV! For more information, visit http://www.gmapinoytv.com

Related content:

Five reasons why you need to watch 'Babawiin Ko Ang Lahat'