
Sa 'Babawiin Ko Ang Lahat,' aabot ng sukdulan ang kasamaan ni Dulce (Carmina Villarroel) at kahit sariling anak ay magagawa nito palayasin.
Mag-aaway si Dulce at anak niyang si Joel (Kristoffer Martin) na hahantong sa paglayas nito sa poder ni Victor (John Estrada).
Dito na ba matatapos ang kinakatakutan ni Dulce na mabulgar ang kanyang baho na itinatago?
Huli na sa akto si Dulce!
Nalaman na ni Victor ang ginawang kasamaan ng dating asawa: mula sa planadong kidnapping nina Iris (Pauline Mendoza) at Trina (Liezel Lopez) hanggang sa ginawa nitong pagtulak sa ilog kay Christine (Tanya Garcia-Lapid).
Sa tindi ng galit ni Victor, mapatay kaya niya ang si Dulce o may maisip na paraan ang kanyang scheming first wife para hindi mabulilyaso ang kanyang grand plan?
Tila hindi pa nauubos ang suwerte ni Dulce.
Dahil sa tinamong pinsala ni Victor sa utak matapos mabagsakan ng puno, uuwi ang ama ni Iris mula sa ospital na parang gulay na hindi makapagsalita at makagalaw.
Matapos atakihin ng seizure si Victor habang kasama si Iris, pagbabawalan ni Dulce na magkasama ang dalawa. Sinisi drin ni Dulce si Iris na siya daw may kasalanan sa lagay ng kanyang dating asawa.
Ang dating prinsesa ngayon maid na.
Kapalit ng pagkakataon na makita ni Iris ang kanyang ama, pipiliin nito na sundin ang mga utos ni Dulce.
At isa na dito ang maging kasambahay sa sarili niyang tahanan.
Sundan ang susunod na linggo at gumagandang kuwento ng Babawiin Ko Ang Lahat sa GMA Afternoon prime, pagkatapos ng Karelasyon.
For our Kapuso abroad, you can watch the latest episodes on GMA Pinoy TV! For more information, visit http://www.gmapinoytv.com
Five reasons why you need to watch 'Babawiin Ko Ang Lahat'