
Sa ikaanim na linggo ng Backstreet Rookie, pinalakas ni Darrel (Ji Chang-wook) ang loob ni Arriane (Kim You-jung) matapos mapanood ng una ang nag-viral na video ng huli na nakikipag-away at napagkaisahan ng mga tao.
Niregaluhan naman ni Darrel si Arriane ng isang bouquet ng red tulips at nasaksihan pa ito ni Aubrey (Han Sun-hwa) nang pumunta siya sa convenience store ng kanyang dating nobyo.
Nang dahil sa sobrang pagod sa trabaho, nadatnan ni Arriane na walang malay si Darrel sa convenience store at dinala ito sa ospital. Sa pag-uusap ng dalawa sa ospital, inaya ni Darrel si Arriane para mag-dinner sa labas.
Pagkatapos nito, dinala ni Darrel si Arriane sa isang espesyal na lugar upang makapag-usap sila nang masinsinan. Sa pag-uusap nila, inamin ni Darrel na espesyal para sa kanya si Arriane.
Habang nasa loob naman ng convenience store, tuluyan nang nagkita ang ina ni Darrel na si Linda at ang dati nitong kaibigan na si Jacqueline, na first love ng asawa ng una na si Ferdie.
Huwag palampasin ang Backstreet Rookie, Lunes hanggang Biyernes, 11:30 a.m., sa GMA.
Balikan ang mga eksena sa Backstreet Rookie rito.
Backstreet Rookie: Darrel courts Arriane!
Backstreet Rookie: Darrel's unexpected visitor
Backstreet Rookie: Darrel and Arriane's romantic dinner date
Backstreet Rookie: Will Linda listen to their explanations?