GMA Logo backstreet rookie
What's Hot

Backstreet Rookie: Tinulungan ni Arriane si Darrel laban sa isang scammer

Published March 29, 2022 2:56 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Amihan, shear line, easterlies to bring cloudy skies, rains on Monday
Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE
Miss Grand International All Stars announces rescheduling

Article Inside Page


Showbiz News

backstreet rookie


Naka-encounter si Darrel (Ji Chang-wook) ng isang scammer sa kanyang convenience store at tinulungan siya ni Arriane (Kim You-jung) upang hindi lumala ang sitwasyon.

Sa ikaapat na linggo ng Backstreet Rookie, dumalaw si Aubrey (Han Sun-hwa) sa bahay ni Darrel (Ji Chang-wook) ngunit labis na nagulat ang una nang makita na naroon din si Arriane (Kim You-jung).

Sa pag-alis ni Arriane sa convenience store, mag-isang hinarap ni Darrel ang scammer na inireklamo siya kapalit ng pera. Upang hindi na lumala pa ang sitwasyon, kinompronta nina Arriane at ng kanyang kaibigan ang scammer upang ibaba ang sinisingil nitong pera kay Darrel.

Tiniis naman ng mga magulang ni Darrel ang pang-aabuso sa kanila ng nanay ni Aubrey dahil sa pangangailangan ng malaking pera. Nalaman din ni Darrel ang katotohanan tungkol sa pamamahiyang ginawa ng pamilya ni Aubrey sa kanyang ina at ama.

Matapos paalisin sa condo ng kanyang celebrity friend, muling bumalik si Arriane sa tahanan ng pamilya ni Darrel.

Patuloy na panoorin ang Backstreet Rookie tuwing Lunes hanggang Biyernes, 11:30 a.m. sa GMA.

Balikan ang mga eksena sa Backstreet Rookie dito.

Backstreet Rookie: Aubrey's big surprise

Backstreet Rookie: Darrel was duped!

Backstreet Rookie: Arriane the problem solver

Backstreet Rookie: Family's dignity, sold!

Backstreet Rookie: A moment with drunk Darrel