GMA Logo backstreet rookie
What's Hot

Backstreet Rookie: Darrel and Arriane's chemistry

Published April 4, 2022 5:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DSWD warns vs fake online surveys promising rewards from DSWD
Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE
Miss Grand International All Stars announces rescheduling

Article Inside Page


Showbiz News

backstreet rookie


Matapos ang hiwalayan nina Darrel (Ji Chang-wook) at Aubrey (Han Sun-hwa), tila iba na ang kinikilos ng una at ni Arriane (Kim You-jung) sa isa't isa.

Sa ikalimang na linggo ng Backstreet Rookie, pinigilan ni Darrel (Ji Chang-wook) si Arriane (Kim You-jung) na huwag umalis sa kanyang panaginip at nanatili talaga ang dalaga sa kanyang tabi.

Ginawa naman ni Darrel na regular employee at bagong store manager si Arriane sa kanyang convenience store.

Muling nagkita rin sina Darrel at ang dati niyang nobya na si Aubrey (Han Sun-hwa) sa isang event na ipatutupad nila sa lahat ng convenience store. Tila iba na rin ang ikinikilos nina Arriane at Darrel sa isa't isa.

Isang espesyal na sorpresa naman ang hatid ni Darrel kay Arriane dahil ginawan niya ang huli ng study corner upang makapag-aral pa rin ito habang nagtatrabaho.

Habang nasa opisina, nalaman ni Aubrey ang katotohanan tungkol sa pag-resign noon ni Darrel sa trabaho dahil sinalo ng huli ang kasalanang nagawa ng una. Dahil dito, nakipagkita muli sa Aubrey kay Darrel at nakiusap ang una na sila'y magkabalikan ngunit hindi na pumayag ang huli.

Muli namang nabugbog si Arriane ng mga salarin na siyang pinagtatakpan niya kay Darrel. Sa pag-uusap ng dalawa, nagpasalamat ang dalaga sa lahat ng mabubuting bagay na ginawa ni Darrel para sa kanya.

Patuloy na panoorin ang Backstreet Rookie tuwing Lunes hanggang Biyernes, 11:30 a.m., sa GMA.

Balikan ang mga eksena sa Backstreet Rookie dito.

Backstreet Rookie: Is Darrel hallucinating?

Backstreet Rookie: Arriane, the new store manager!

Backstreet Rookie: Arriane and Darrel's chemistry

Backstreet Rookie: Darrel's special surprise to Arriane

Backstreet Rookie: The ex is back!