
Fresh at exciting news mga Kapuso at mga Kapamilya dahil isang bagong collab edition ng 'Pinoy Big Brother' ang paparating.
Sa pagbubukas ng bagong Bahay Ni Kuya, magsisimula ang 'Pinoy Big Brother Collab 3.0.'
Isa sa mga talaga namang dapat abangan dito ay kung sinu-sino ang bagong housemates na magsasama-sama para panandaliang manirahan sa isang bahay kakabit ang tasks, twists, at iba pang magaganap sa loob nito.
Bago ang title reveal tungkol sa new season, sunud-sunod na online posts na ang pinag-usapan ng netizens, kung saan naka-pose ng mala-3.0 ang ilang ex-housemates ng nagdaang collab editions.
Kabilang sa kanila si Caprice Cayetano na itinanghal na Kapuso Big Winner sa latest collab na 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.'
Bukod kay Caprice, mayroon ding posters ang ex-housemates ng unang collab season na sina Brent Manalo, Dustin Yu, at iba pa.
Anu-ano kaya bagong surprises at twists mula kay Big Brother?
Abangan ang lahat ng 'yan sa 'Pinoy Big Brother 3.0.'
Samantala, may big announcement si Kuya para sa lahat at abangan 'yan ngayong Biyernes ng gabi, August 14, sa '24 Oras.'
Related gallery: Former PBB housemates bid farewell to the iconic house before the lipat-bahay