Article Inside Page
Showbiz News
Isang engrandeng Nobyembre ang hatid sa mga loyal viewers na walang patid ang pagtangkilik sa mga programa ng Kapuso network. Pakatutukan ang mga bagong Telebabad at Sabado Star Power shows at mga pinakaaabangang concert specials that will surely change your viewing habit.
Isang engrandeng Nobyembre ang hatid sa mga loyal viewers na walang patid ang pagtangkilik sa mga programa ng Kapuso network. Pakatutukan ang mga bagong Telebabad at Sabado Star Power shows at mga pinakaaabangang concert specials that will surely change your viewing habit.
Mga bigating kuwento ng pag-ibig at pagbabago ang inyong mapapanood sa GMA Telebabad simula ngayong buwan. Sa November 5 ay magsisimula na ang
Paroa: Ang Kuwento ni Mariposa starring Barbie Forteza and Derrick Monasterio. Ang Koreanovelang
The Princess' Man ay mapapanood na rin on November 19. Matutunghayan na sina Dingdong Dantes, Christopher de Leon, and Lorna Tolentino sa teleseryeng
Pahiram ng Sandali simula November 26.
Tatlong nakakaaliw at nakakaantig na mga programa ang dapat pakaaabangan pagdating ng Sabado. Kukumpleto sa Sabado Star Power sa Gabi starting November 17 ang
Watta Job! with Chris Tiu, Heart Evangelista, and John Feir,
Celebrity Bluff hosted by Eugene Domingo with Jose and Wally, at ang nagbabalik-telebisyon na
Magpakailanman ni Ms. Mel Tiangco.
Darating na rin ang mga moms to the rescue na sina Gladys Reyes at Jaya ng programang
NAY-1-1. Mapapanood ito on weekday mornings simula November 12.
Bigating concert specials naman ang mapapanood sa
Sunday Night Box Office. Ang
The Songwriter and The Hitmaker ni Ogie Alcasid ay mapapanood on November 25. Susundan ito ng
Rising Against Gravity concert ni Rachelle Anne Go on December 2 at ng
Silver ni Asia's Songbird Regine Velasquez-Alcasid on December 16.
Huwag kalilimutang abangan ang mga pinakabagong shows at TV specials ng GMA this November! --
Michelle Caligan, GMANetwork.com