GMA Logo Dingdong Dantes on Family Feud
What's on TV

Bakit espesyal ang 'Family Feud' kay Dingdong Dantes?

By Jimboy Napoles
Published September 28, 2023 2:47 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma continues to move slowly, 24 areas under Signal No. 1
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Dingdong Dantes on Family Feud


Sa dami ng kaniyang roles na ginagampanan, paano naging espesyal para kay Dingdong Dantes ang maging host ng Family Feud?

Matapos ang matagumpay niyang pagganap bilang Napoy Terrazo-Royales sa hit murder-mystery series na Royal Blood, at ang kasalukuyang pagiging host ng The Voice Generations, nagbabalik naman ngayon bilang game master ng Family Feud ang award-winning actor at TV host na si Dingdong Dantes.

Sa darating na Lunes, October 2, muli nang mapapanood sa GMA ang nasabing game show na Family Feud, kasama si Dingdong.

ALAMIN ANG ILANG TRIVIA TUNGKOL KAY DINGDONG DANTES SA GALLERY NA ITO:

Sa ginanap na media conference ng programa noong Sabado, September 23, sinagot ni Dingdong ang tanong kung bakit espesyal sa kaniya ang Family Feud maliban sa iba niya pang mga programa.

Ayon kay Dingdong, mas nailalabas niya ang kaniyang pagiging kuwela sa tuwing sasalang siya bilang host ng naturang programa.

Aniya, “Generally, tahimik kasi akong tao e, hindi ako pala-kuwento. Pero kapag nasa Family Feud stage ako, parang ito 'yung space ko na maging maingay, maging magulo, kasi hindi ko talaga siya nagagawa, and I think it's also very therapeutic for me because in a way, hosting a show like this is also a performance.”

Dagdag pa niya, “Para sa akin, nae-enjoy ko itong ginagawa kong ito because kakaiba 'yung energy na nakukuha ko sa ating mga contestant.

“Everyday, I get to meet eight new people or kahit na kilala ko na sila pero once na nasa entablado sila ng Family Feud, parang wine-welcome ko sila sa aking tahanan and I really have to entertain them and talk to them. So, ibang fulfillment ang naibibigay sa akin lalong-lalo na kapag nananalo sila at nakakasagot sila ng tama.”

Paglalarawan ni Dingdong sa kanyang trabaho bilang game master sa Family Feud, “So that whole experience magmula sa pagtapak ko sa entablado hanggang sa manalo sila, 'yun ay isang bagay na puwede kong maihambing din sa isang performance.

“Lets say sa acting, if you'll able to do your scene properly, mararamdaman mo yun, e, parang mali 'yung pag-exit ko sa eksenang to a, 'Direk puwede bang take two?' Ganun din 'yung fulfillment, sa pagho-host ng Family Feud.”

Aminado rin si Dingdong na nagduda rin siya sa kanyang sarili noong una bilang host ng nasabing game show, pero unti-unti itong napalitan ng saya at excitement.

Aniya, “But generally, sobrang na-e-enjoy ko siya, unlike nung mga unang episode talagang aaminin ko nangangapa talaga ako. In fact, sabi ko nga, 'Ako ba talaga ang tamang tao para rito?' Kasi hindi ako comfortable sa ganitong klaseng format.

“But then again, nung mas tumatagal, mas na-embrace ko na yung programa, naging parte na siya ng aking araw-araw na ginagawa. So I always look forward to Family Feud days sa isang linggo.”

Samantala, sa bagong season ng Family Feud, maaari na ring sumali ang grupo ng mga masisipag na manggagawang Pinoy katulad ng mga teacher, delivery rider, at marami pang iba.

Dapat ding abangan ang first-ever Family Feud Kids kung saan mga bata naman ang makikihula ng survey answers.

Tutukan ang pagbabalik ng Family Feud sa Lunes, October 2, 5:40 p.m. sa GMA.