
Ang content creators and real-life sweethearts na sina Baninay Bautista at Bont Bryant Oropel ang bagong sasabak sa amazing adventure sa Amazing Earth.
Ngayong Biyernes, May 30, mapapanood sa Amazing Earth ang thrilling outdoor adventure nina Baninay at Bont. Bibisita sila sa Porac, Pampanga para sa isang head-to-head Airwalk Challenge.
Susubukan din ang galing nina Baninay at Bont sa Giant Swing.
Kaabang-abang din ang bagong nature documentary series na ipakikilala ng ating award-winning host na si Dingdong Dantes. Alamin ang kanyang kuwento mula sa Deadly Australians: Forests tampok ang Australia's forest floors and canopies at ang ilan sa world's most venomous creatures.
Abangan ang exciting na episode ng Amazing Earth ngayong Biyernes, 9:30 p.m. pagkatapos ng Mga Batang Riles sa GMA Network. Mapapanood din ang Amazing Earth via livestream sa Kapuso Stream at sa Facebook page at YouTube channel ng GMA Network at Amazing Earth PH.
SAMANTALA, BALIKAN ANG MGA AMAZING ADVENTURE NI DINGDONG DANTES SA AMAZING EARTH: