GMA Logo David Licauco and Barbie Forteza
What's on TV

Barbie Forteza at David Licauco, ipinaliwanag ang picture na magkayakap sila

By Kristian Eric Javier
Published September 1, 2023 10:14 AM PHT
Updated September 5, 2023 4:11 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcos: Though thankless, public service is a job that is worth it
6 hurt in 'festi-brawl' in Roxas City, Capiz
A festive beauty pop-up opens in the South just in time for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

David Licauco and Barbie Forteza


Sinagot na ni Barbie Forteza at David Licauco ang tungkol sa magkayakap picture nila. Alamin dito ang kuwento.

Naging viral kamakailan ang litrato ng Maging Sino Ka Man stars na sina Barbie Forteza at David Licauco na magkayakap habang nasa set ng kanilang upcoming series.

Sa interview ng dalawang stars kay Nelson Canlas sa “Chika Minute” para sa 24 Oras, nilinaw ng dalawa kung ano ang naganap sa litrato na 'yun at ayon kay David, “Tulog talaga kami nun kasi pagod na e, pagod na kami nun.”

Paliwanag ni Barbie, “To be honest, hindi pa take 'yun, pero bina-block na kasi ni direk. Natawa lang ako kasi 'yung unang take namin nun, ang dapat na mas yayakap, ako. Tapos nung pumitik 'yung AD (assistant director) namin, siya 'yung mas yumakap sa'kin.”

TINGNAN ANG MGA KINAKILIGANG PHOTOS NINA BARBIE AT DAVID SA STORYCON NG MAGING SINO KA MAN DITO:

Gaganap ang dalawa sa series remake ng hit movie na Maging Sino Ka Man. Si David bilang si Carding, samantalang si Barbie ay gaganap sa dual roles na sina Monique at Dino. Dito rin maipapakita ng aktor ang galing niya sa action scenes at stunts.

“Na proud naman ako sa kanya dun kasi talagang in any way that he can prove himself talaga kaya ngayon, I'm very excited to watch him as Carding kasi nga nakita ko rin 'yung dedication at 'yung effort niya,” ani ni Barbie.

Samantala, ayon naman kay David ay kailangan talaga mag-step up kung si Barbie ang kapareha.

“Totoo naman, tsaka marami akong natututunan kay Barbie,” dagdag pa nito.

Ikinuwento rin ni Barbie kung paano siya naiilang tuwing nagtatanong ang aktor sa kanya kung ano ang gagawin sa eksena. Dagdag pa ng aktres, akala niya ay nagbibiro lang ito, ngunit sinagot siya ni David na “Hindi, seryoso 'yung tanong ko talaga.”

Pagdating naman sa romance ng dalawa sa serye, ibinahagi ng aktres na mas ma-intensify ito sa pelikula.

“Kasi may pagpigil, may resistance, kaya masaya siya laruin,” aniya.

Panoorin ang buong interview ng dalawa rito: